^

Punto Mo

‘Panyo’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(PART 7)

PAGDATING sa bahay ay kinuha ko sa bulsa ng aking­ pantalon ang puting panyo na napulot ng tsinitang estud­yante.

Ganun na lamang ang aking pagkagulat sapagkat hindi ko ito panyo. Iba kaysa aking mga panyo na regalo pa ni Tita.

Para makatiyak, hinalughog ko ang aking bulsa.

Tama ang aking hinala na hindi ko panyo ang ibinigay ng babaing estudyante. Mukhang mamahalin ang panyo na napulot ng babae na nahulog daw mula sa bulsa ko.

Ininspeksiyon ko ang panyo. Bagumbago pa dahil may nakadikit pang label. Maayos din ang pagkakatiklop.

Hindi ko muna sinabi kay Tita ang tungkol sa panyo. Saka ko na lang sasabihin.

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school. Hindi dahil may exam ako kundi para abangan ang tsinitang estud­yante na nagbigay sa akin ng puting panyo. Isasauli ko.

Nag-abang ako sa mismong spot na nagkita kami kahapon.

Pero hindi ko siya nakita.

Pero hindi ako nawalan ng pag-asa na makikita ang babae.

(Itutuloy)

ESTUDYANTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with