^

Punto Mo

Lalaki sa China na kayang humiwa ng pipino gamit ang baraha, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa China ang umani ng atensyon matapos magtala ng dalawang bagong Guinness World Records gamit ang hindi pangkaraniwang kakayahan ang paggamit ng baraha upang hiwain­ ang pipino at sindihan ang posporo.

Si Zhang Yazhou, na kilala rin bilang “NengLiangJun” sa social media, ay likas na ang kanyang talento sa marksmanship dahil mahilig siyang maglaro ng tirador at magpalipad ng bato sa ilog.

Nang magkolehiyo, sinimulan ni Yazhou ang kanyang pag-eensayo sa paghagis ng baraha, at hindi nagtagal, ang kanyang mga video na ipino-post online ay naging daan para gawin itong full time career.

Hindi nagmadali si Yazhou sa pag-abot sa kanyang tagum­pay. Ginugol niya ang ilang buwan sa masusing pagsasanay upang mapaunlad ang kanyang kakayahan. Sa kalaunan, ito ang nagdala sa kanya ng dalawang prestihiyosong titulo mula sa Guinness.

Sa loob lamang ng 60 seconds, nagawa niyang hiwain ang 41 piraso ng pipino gamit ang mga barahang hinagis niya.

Agad itong sinundan ng isa pang kahanga-hangang pagtatanghal kung saan nasindihan niya ang 29 na posporo gamit ang parehong baraha.

Ayon kay Yazhou, patuloy niyang nililinang ang kanyang kakayahan at kasalukuyan siyang nag-eeksperimento ng mga bagong teknik para mapabuti ang pagbato niya ng baraha. Umaasa rin siyang mahihigitan ang sariling record sa hinaharap.

GUINNESS WORLD RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with