^

Police Metro

QC police binawalan nang magpatrulya sa gabi

Ricky ­Tulipat - The Freeman

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng kautusan si Quezon City District Director Chief Supt. Richard Albano sa kanyang tauhan ang pagbabawal na  magpapatrulya sa mga kalsada lalo na sa mga nakaparadang kotse kapag gabi upang makahuli lang ng magkasintahan nasa aktong nagla-love making para takutin at pagkaperahan.

Ayon kay Albano, hindi prayoridad ng kanilang tropa ang magbantay sa nakaparadang mga sasakyan para manghuli ng magkasintahan, bagkus ay ang seguridad na kailangang ipatupad nito sa mamamayan.

Inatasan ni Albano ang 12 hepe ng istasyon ng pulisya na itigil ang pagpapatrulya sa gabi ng ilan nilang tauhan sa labas para maghanap ng makokotongan sa mga magkasintahan nasa loob ng sasakyan.

Ito’y matapos ang pagkakadakip sa dalawang pulis na sina PO1 Ronaldo Englis, 39, at PO1 Ronald Mansibang, 28, ng Galas Police Station dahil sa tangkang pangongotong ng halagang P20,000 sa isang magkasintahan nitong Martes ng gabi sa New Manila. Ang dalawang pulis ay agad na sinibak sa kanilang mga tungkulin matapos ang insidente.

ALBANO

AYON

GALAS POLICE STATION

INATASAN

NEW MANILA

QUEZON CITY DISTRICT DIRECTOR CHIEF SUPT

RICHARD ALBANO

RONALD MANSIBANG

RONALDO ENGLIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with