^

Pang Movies

KC, nagdala ng apo kay Sharon!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Ikinatuwa ng mga nagmamahal kina Sharon Cuneta at KC Concepcion ang post ni Sharon sa Instagram ng photo ng fur babies ni KC na sina Churro at Chica. Ang caption pa nga ni Sharon ay “Churro y Chica Cuneta Concepcion. Feliz Navidad.”

Tanong ng fans, sa bahay ba nila Sharon kuha ang photo ng dalawang fur babies? Kung sa bahay nga nila Mega, sino ang nagdala sa kanila? Kaya may ganitong tanong dahil hindi kasama si KC sa photo.

Gustong malaman ng fans kung si KC mismo ang nagdala sa fur babies niya kina Sharon at umalis na siya at babalikan na lang sina Churro at Chica. Kung si KC naman ang nagdala, bakit daw wala siyang larawan?

Anyway, isa pang ikinatuwa ng fans ay ang convo ng mag-ina. Sabi ni KC, “Hahahaha! Your apos for now we love you mama” na sinagot ni Sharon ng “@kristinaconcepcion love you  three babies.”

May fans na naiyak sa tuwa dahil natupad ang ipinagdarasal nila na maging okay sila. Answered prayer sa kanila na okay na ang mag-ina at kahit hindi nila kadugo, parang part sila ng pamilya at magandang Christmas gift sa kanila ito.

Nadagdagan pa ang tuwa ng fans dahil sa latest post ni KC tungkol sa Christmas, nag-like si Sharon at ang wish na lang ng fans, magtuluy-tuloy na ito para masaya ang lahat.

Naaliw rin pala ang fans na ang apelyido ng fur babies ni KC ay Cuneta-Concepcion, sunod daw kay KC.

Nadine at Gabby, pinagsabong ang akting!

Ngayong showing na ang Uninvited, hindi na siguro mag-aaway ang fans nina Gabby Padilla at Nadine Lustre kung sino ang mas magaling sa dalawa, sino ang meatier ang role at kung sino ang dapat manalo sa kanila.

Naglatagan pa ng ebidensya ang fans kasama ang awards na napanalunan para lang ipakita kung sino sa kanila ang mas magaling. Sabi pa ng fans ni Nadine, parehong na-nominate sa isang award-giving body ang dalawa at si Nadine ang nanalo. Ang ibig daw sabihin noon, mas mahusay si Nadine kay Gabby.

Mabuti at may umawat at pinayuhan ang nag-aaway na fan nila na ‘wag silang mag-away. Pareho raw magaling ang dalawa at makikita ang husay nila sa Uninvited.

In fairness, mas bida si Nadine kesa kay Gabby sa Mentorque Productions at Project 8 Projects entry sa 2024 Metro Manila Film Festival. Sa billing, kasama siya nina Aga Muhlach at Vilma Santos, pero malaki at importante rin ang role ni Gabby.

Sa nangyari sa kanyang karakter nagsimula ang conflict ng story at kaya magkikita ang mga karakter nina Nadine at Vilma.

Basta, parehong magaling sina Gabby at Nadine at hindi na dapat pinag-aawayan ng kanilang fans. Mahusay rin ang tandem nina director Dan Villegas at screenplay ni Dodo Dayao.

Jennylyn, laging hinahanap sa Green Bones!

Legit na source ng update sa Green Bones si Nessa Valdellon ng GMA Pictures at GMA Public Affairs dahil alam mong totoo at tama. Heto nga at ang update niya kahapon, sa first day ng opening ng 2024 MMFF, nadagdagan ang ci­nemas ng GB.

From 36 cinemas, naging 40, naging 43 cinemas, naging 47 at naging 54 at may scree­ning pang nadagdag. Alam mong inihabol dahil ang mga nadagdag na screenings ay sa last full show. Nakatulong sa interes ng mo­viegoers na panoorin ang movie ni director Zig Dulay ang word of mouth.

Ang sipag din nina Dennis Trillo at Ruru Madrid na mag-theater tour. Umikot sila sa SM San Lazaro, Gateway 2, Fishermall Quezon Avenue, Robinsons Ermita at Ayala Malls Circuit.

Abang-abang at iikot pa sila sa ibang sinehan. Gusto ng fans, kasama si Jennylyn Mercado na magsi-cinema tour dahil kapag kasama raw ito, namimigay ng t-shirt gaya ng nangyari sa Gateway 2. Co-producer kasi ng movie sina Jennylyn at Dennis under their Brightburn Entertainment.

SHARON CUNETA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with