Lucy, may dasal sa pagiging diyosa ng kagandahan
Ang bongga naman ni Lucy Torres na naging cover ng isang magazine at kitang-kita na wala pa rin talagang kupas ang ganda ng misis ni Cong. Richard Gomez.
Lutang talaga ang grace, poise at class sa kanya na mas nagpapaganda kay Lucy.
Marami man ang mas maganda sa kanya ay wala raw itong kaparehong aura na alam mong sosyal talaga.
Isa nga rin sa pinuri sa kanya ng netizens ay ang ganda ng legs niya na biro nga ng mga ito ay baka anakan pa ito ni Goma.
Tanong nga ng iba ay ano raw kaya ang sikreto nito para magmukhang bata, sexy at maganda?
Biro naman ng iba na ano kaya ang format ng prayers niya dahil sa pagiging Diyosa.
Nilabas nga rin ng magazine ang video ng kanyang interview kung saan ibinahagi niya ang mga paborito niyang holiday traditions ngayong darating na Pasko.
Certified Christmas girl daw talaga siya dahil kahit July o August pa lamang ay nagpapatugtog na siya ng Christmas songs.
Sobrang generous nga talaga ng nanay ni Juliana dahil ang paboritong parte niya ng Pasko ay ang pagbabalot ng mga regalo. Kahit nga raw hindi siya matulog ay basta magbalot siya ng mga regalo para sa mga mahal sa buhay ay masaya siya.
Mahilig din daw siya sa fruitcakes na parang babies daw niya na nilalagyan pa raw niya ng mas maraming alak para manatiling moist. Buong taon daw siyang kumakain nito at hindi siya nawawalan nito.
Ito rin kaya ang sikreto niya sa maganda niyang mukha? Bongga.
- Latest