^

Pang Movies

Vic, naging instant faney ni Papa P

Salve V. Asis - Pang-masa
Vic, naging instant faney ni Papa P
Vic at Piolo

MANILA, Philippines — Seryoso ang naging paghahanda ni Bossing Vic Sotto para sa pelikulang The Kingdom na isa sa mga inaabangan sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024.

Kinailangan niyang mag-training ng knife and karambit (ayon sa Wikipedia - karambit is one of the weapons commonly used in pencak silat and Filipino martial arts) fight training.

Aminado nga si Bossing Vic na ibang-iba ang ginampanan niyang role sa The Kingdom kaya kailangan niyang gawin ‘yun.

“Marami akong tanong bago gawin ang movie. Malayo ito sa dati ko nang nagawa,” pag-amin ni Bossing sa ginanap na mediacon nito.

“Kailangang baguhin ko ang boses ko. Hindi ako puwedeng magsalita gaya sa Eat Bulaga,” dagdag pa niya.

Pero naging madali naman daw ang lahat dahil sa tulong ng kanyang mga kasama sa pelikula at ni Direk Mike Tuviera. “Lalo na si Piolo (Pascual), it was worth it.”

Ang pelikula na prinodyus ng APT Entertainment, Inc., M-Zet TV Productions at MQuest Ventures, Inc. ang unang pagsasama nina Bossing Vic at Papa P sa big screen.

May kabigatan nga rin ang istorya nito tungkol sa isang uncolonized Philippines na nasa ilalim ng isang monarchy na pinangungunahan ng haring si Lakan Makisig (Vic). Ginagampanan naman ni Piolo ang papel ni Sulo, isang outcast farmer na kalaunan ay magiging bayani sa paghahanap ng pagbabago ng mga nasasakupan ng kaha­rian ng Kalayaan.

Ani Vic, malaking factor si Piolo sa pagpayag niya na gawin ang The Kingdom.

Pag-amin ng komedyante, “Medyo na-shock ako. Medyo nagda­lawang-isip ako, kasi it’s a serious film. Sabi nga ni direk, it’s a non-political political film. Parang I was asking myself, ‘bagay ba sa ’kin?’ And another question was ‘kaya ko ba ‘to?’ And then finally, medyo parang okay na sa ’kin, I asked them ‘sinong mga kasama, sinong cast?’ Sabi ni direk, we’re negotiating with Piolo Pascual. ‘Okay, go na tayo,’ sabi ko.

“It’s not every movie na, kasi we’re from different stations before, so we never had the chance to be together in one film. So this is one pagkakataon na hindi ko kayang palagpasin. At ‘yung bon­ding namin ni Piolo, I was asked before, ‘kumusta bonding n’yo?’ ‘Di kami nagba-bonding kasi ‘di ko siya kilala, eh. ’Yung character niya, as Lakan, I don’t know him. Wala siya, tinatwa ito, eh. Tinatwa is, in English, outcast. So, wala akong pakialam sa kanya. It just so happens ‘pag malapit nang… ‘yung climax ng istorya, du’n kami magtatagpo, doon kami nag-bonding. Sumobra ang bonding namin. Rurok na ‘yung aming bonding,” mahabang kwento pa ni Bossing Vic.

Kaya’t naging instant fanboy pa nga raw siya ni Papa P dahil aniya, “Napatunayan ko that he is a seriously good actor.”

Sa isang sequence umano nila na magkasama, pinanood niya si Piolo habang wala siyang take.

“Medyo nag-fanboy mode ako. Totoo ‘yon, totoo, totoo. Pinapanood ko lang siya. Ang galing! Ang hahaba ng dialogue pero hindi siya nagkakamali. Ako, kapiraso lang, nagba-buckle pa, eh. ‘Yun, ‘yun ang napatunayan ko na seriously good actor. Not just a good actor, he is a good person, in and out. Magaling ito!” papuri pa ng film icon sa first-time co-star na dream niyang makasama sa isang comedy movie.

Kasama rin nila sina Cristine Reyes, Sue Ramirez, Sid Lucero, Nico Antonio at batang si Zion Cruz.

Nakakamangha ang visual nito na nagbibigay-buhay sa isang alternatibong kasaysayan ng Pilipinas.

Daniel, nagpalaman para sa action

Action star ang aura ni Daniel Padilla sa ginanap na media conference ng all-out action series na Incognito.

Hindi na siya payatot at mas may angas ang mga kilos.

Kung sabagay, grabe ang mga eksena nila sa Incognito kasama sina Richard Gutierrez at Ian Veneracion with Maris Racal, Anthony Jennings and Baron Geisler sa ipinakitang trailer nito.

Pero wala na raw siyang gaanong adjustment dahil din nagkaroon na siya ng warm up sa La Luna Sangre kasama ang direktor nilang si Direk Lester Ong. “Nakapag-warm up naman na kami dati ni Direk Lester sa La Luna Sangre. Nakasubok na ng konting action dun and syempre it’s very different pero iba rin ito. Ito kasi action talaga... simula ‘yung araw mo, adrenaline rush na ‘yun hanggang gabi eh so pagkarating mo sa hotel mo (nag-shooting sila sa Italy) very fulfilling din ‘di ba kasi ‘yung mga stunt din na hindi madadali pero ‘pag nagawa namin ‘yun, it’s very fulfilling. It’s very different. Syempre, kahit papaano, it’s very new for me pero masaya. Parang matagal-tagal ko ring gagawin ito,” paliwanag ni Daniel.

Pero nagkaroon ba ng pressure na dapat maging kasing galing siya ng kanyang tito Robin Padilla na mahusay na action star o ng ama niyang si Rommel Padilla? “Wala rin naman akong nararamdaman na kaba o ano dahil sakto lang eh. I’m just doing my best. Kung ano ‘yung kalabasan nu’n, that’s it. Kung ano man, I’m just doing my best and I’m proud sa mga nagagawa naming lahat, as a group. Sa trailer pa lang, I’m excited. Parang excited akong ipakita rin sa erpat (Rommel) ko ito.

“Sa training pa lang kami, excited na ako. Pero excited akong ipakita sa erpat ito. Malamang panis siya sa akin! Hahahaha!

“Joke lang. Joke lang!” patawa ni Daniel kaya naman tilian ang kanyang fans na invited sa nasabing media conference noong Biyernes ng gabi na ginanap sa Dolphy Theater.

“Oo nga, ang tatay ko nandun din sa genre na ‘yon, ang mga tito ko. Pero, iba-iba naman kami ng timpla. Tingnan na lang natin kung ano ang maio-offer natin,” dagdag na katwiran pa ni Daniel.

Sinabi niya ring hindi siya nag-isip nung ialok ang proyekto sa kanya.

In fact, nagkainteres daw kaagad siya.

Samantala, ‘death’ anniversary (breakup) kahapon KathNiel. November 30 nga last year nang maglabas sina Kathryn Bernardo at Daniel ng kanilang official breakup statement pagkatapos ng 11 years.

Wala namang pinag-usapan sa ginanap na presscon ng Incognito tungkol kay Kathryn.

Samantala, ipapalabas ang serye sa Enero 17 sa Netflix, Enero 18 sa iWantTFC at Enero 20 sa Kapamil­ya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live.

VIC SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with