Martin wagi kay Picasso
MANILA, Philippines — Naitakas ni Pinoy pug Carl Jammes Martin ang split decision win laban kay Mexican David Picasso para makuha ang World Boxing Council (WBC) silver featherweight belt kahapon sa Kingdom Arena sa Riyadh, Saudi Arabia.
Pumabor kay Martin ang dalawang hurado na parehong nagbigay ng 95-94 puntos habang nakuha naman ng Mexican fighter ang ikatlong judge na may ibinigay na 96-93 na iskor.
Bahagyang nadulas si Martin sa ikawalong round ngunit hindi ito nakaapekto sa performance ng Pinoy pug.
Naging armas ni Martin ang tamang game plan upang makuha ang panalo.
“Just the patience. I know Cass is a great fighter. They said, ‘just be patient, wait for him, don’t be aggressive’, And that’s it,” ani Martin.
Nanatiling malinis ang rekord ni Martin na may 29-0 marka kaya’t malaki ang posibilidad na makakuha ito ng world title fight sa mga susunod na buwan.
Laglag naman sa 33-2 si Picasso.
Nagpasalamat si Martin sa lahat ng mga tumulong sa kanya partikular na sa kanyang training camp sa Amerika kung saan marami itong natutunan na estilo.
Handa naman si Martin na ibigay ang rematch kay Picasso.
- Latest

















