^

PSN Palaro

La Salle, NU unahang dumikit sa titulo sa Shakey’s volley

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Simula na ang title showdown sa pagitan ng defending champion National University at De La Salle University sa Game 1 ng 2024 Shakey’s Super League (SSL) collegiate pre-season championship best-of-three finals na lalaruin sa Rizal Memorial Coliseum ngayong araw.

Kinaldag ng three-peat seeking Lady Bulldogs at undefeated Lady Archers ang kanilang mga nakatunggali sa semifinals kaya naman sila ang magka- date sa alas-6:30 ng gabi.

Lumalabas na rematch ang kanilang labanan, nagharap na ang NU at DLSU sa inaugural edition may dalawang taon na ang nakalipas.

Pakay ng NU na kum­pletuhin ang season sweep matapos kuminang sa National Invitationals.

Pinatalsik ng NU ang FEU, 25-16, 19-25, 25-17, 25-22, sa knockout semifinal sa tournament na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea, Grab Philippines, at Summit Water.

Ibabangga ng NU ang trio nina reigning MVP Alyssa Solomon, Bella Belen at Vange Alinsug upang maka-una agad ng panalo at mamuro sa inaasam na korona.

Nais ng bagong head coach ng NU na si Sherwin Meneses na makabawi sa DLSU na tumalo sa kanila sa four-set nang magharap sila sa second round at makalsuhan ang kanilang 28-game win streak na nagsimula pa noong 2022.

Huhugot din ng pu­wersa ang NU kina Alexa Mata, Erin Pangilinan, Arah Panique, Sheena Toring at setter Lams Lamina para makaganti ng panalo sa event na katuwang ang Smart Sports, PLDT Fibr, Mikasa, Asics, Rebel Sports, Eurotel, Victory Li­ner, Commission on Higher Education (CHED), Philippine Sports Commission (PSC), at SM Tickets bilang technical partners.

SHAKEY’S SUPER LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with