^

PSN Palaro

AFAD Sports Arms Show hahataw sa November 20

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
AFAD Sports Arms Show hahataw sa November 20
Mula kaliwa: Sina Ivy Illine Sapasap, Cristina Tuason-Gonzalez, AFAP president Edwin Lim, AFAD treasurer Edwin Ano Jr., Grace Ta at AFAD spokes- person Aric Topacio.
Chris Co

MANILA, Philippines —  Muling aarangkada ang Association of Firearms and Ammunition Dealers (AFAD) 30th Defense and Sports Arms Show na magdaraos ng ikatlong edisyon sa taong ito sa Nobyembre 20-24 sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Galing ang AFAD sa matagumpay na pagda­raos ng Davao Leg kama­kailan kung saan dumagsa ang mga partisipante mula sa iba’t ibang panig ng Mindanao region.

Ayon kay AFAD Spo­kes­­man Alaric ‘Aric’ Topacio, kasado na ang lahat para sa pagdaraos ng hu­ling edisyon sa taong ito sa kabila ng nakaambang gun ban dahil sa midterm elections sa susunod na taon.

“We take this election gun ban as a challenge to overcome. Some people may think the gun ban (because of the special holidays and the coming elections) is something that could hurt us,” ani Topacio.

Iginiit ni Topacio na patuloy ang asosasyon nito sa pagpapalaganap ng responsableng paggamit ng baril.

Nakatakda ang ope­ning ceremony sa alas-10 ng umaga kung saan imbitado si Department of Interior and Local Go­vernment (DILG) Secretary Jonvic Remulla.

Nais ni Topacio na mahigitan ang mga naunang edisyon sa taong ito kung saan ipaparada ang iba’t ibang armas na gawa ng mga Pilipino at kilalang kompanya sa buong mundo.

vuukle comment

AFAD

TOPACIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with