^

Metro

Motorsiklo sumemplang, mister dedo, misis sugatan

Mer Layson - The Freeman

MANILA, Philippines - Patay ang isang mister habang sugatan ang kanyang asawa matapos na sumem­plang ang sinasakyan  nilang motorsiklo sa Pasig City kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Pasig City General Hospital ang biktimang si Florencio Pobre­, Facilities Management Division Chief ng Traffic and Parking Management Office sa Pasig. Sugatan naman ang misis nitong si Beth.

Sa salaysay sa pulisya ni Dondon Minion, sinabi nito na kumukuha siya ng buhangin sa kanyang truck nang marinig ang malakas na pagsemplang ng motorsiklo ng mga biktima sa M. Eusebio St. sa Pasig City, ganap na alas-8:00 ng umaga.

Isinugod ang mag-asawa sa pagamutan ngunit patay na si Florencio.

Inaalam na umano ng pulisya kung kaso ito ng hit-and-run o kung self accident lamang dahil madulas umano ang kalsada nang maganap ang aksidente.

 

DONDON MINION

EUSEBIO ST.

FACILITIES MANAGEMENT DIVISION CHIEF

FLORENCIO

FLORENCIO POBRE

INAALAM

ISINUGOD

PASIG CITY

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

TRAFFIC AND PARKING MANAGEMENT OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with