^

Pang Movies

TNT, binitbit ang 1K laro sa smartphone!

Pang-masa

MANILA, Philippines — Saan man mapunta ang barkada, mas masaya kapag may bagong mobile game na puwedeng pang-aliwan. Pero aminin natin na kahit ang pinakaadik sa gaming, nauubusan din ng bagong lalaruin. Kapag ilang beses mo nang natapos ang paborito mong game at kabisado mo na pati galaw ng kalaban, panahon na para maghanap ng panibagong challenge.

At dito may magandang balita ang mga gamer at KaTropas! Nakipag-partner ang value mobile brand na TNT sa Blacknut para dalhin ang mahigit 1,000 premium video games diretso sa cloud at puwede itong laruin gamit ang inyong mga smartphone.

Ibig sabihin, hindi na kailangang magkaroon ng gaming console o high-end gaming device para makapag-enjoy ng iba’t ibang games. Hindi rin kailangang maghintay para sa malalaking downloads.

Para sa mga KaTropas nationwide, maaaring mag-subscribe sa Blacknut Cloud Gaming sa Blacknut Smart sa halagang P145 kada linggo, na direktang ibabawas sa prepaid load.

Madali lang ang proseso. Pagkatapos ng mabilis na OTP verification, puwede nang maglaro gamit ang mobile browser.

Walang credit card? Okay lang. Walang console? No problem. Walang gaming PC na pangmatindi ang specs? Hindi rin kailangan.

Ang kailangan lang ay TNT-powered smartphone, connection, at siyempre, ang mga ka-tropa na ready makipagsabayan.

 Kung ang katropa ay mahilig sa tawanan, sigawan at konting asaran, Overcooked! & Overcooked! 2 ang perfect choice. Dito, kailangan ninyong magtulungan para maghanda, magluto at mag-serve ng pagkain habang tumatakbo ang oras. May naghihiwa, may nagluluto, may naghuhugas ng plato at may malamang na sisigaw ng, “Nasaan ang ingredients?!”

Teamwork ang puhunan, pero good luck kung kaya ninyo ng walang pikunan. Para naman sa basketball fans, dalhin ang rivalry sa virtual court sa NBA 2K23. Bumuo ng dream team, makipaglaro kasama ang NBA stars at legends, o subukan kung sino talaga ang may pinakamagaling na moves sa tropa. Perfect din ito para sa mga barkadang laging nagtatalo kung sino ang tunay na basketball expert.

Kung nostalgia naman ang hanap, siguradong mapapalingon ang mga batang lumaki sa Nickelodeon sa Nickelodeon All-Star Brawl. Para sa mga mahilig sa classic arcade action, balik-suntukan naman sa Double Dragon Gaiden: Rise of the Dragons.

Modernized na ang iconic beat-‘em-up franchise, na ngayon ay may tag-team gameplay at roguelite mechanics. Kaya bukod sa malulutong na combo, kailangan din ng tamang diskarte para malampasan ang mga kalaban.

TNT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with