LGU employee huli sa entrapment ng PDEA

COTABATO CITY, Philippines — Agad na naaresto ang isang 42-anyos na empleyado ng lokal na pamahalaan ng Digos City sa Davao del Sur nang makumpiskahan ng P129,000 halaga ng shabu sa isang entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency 11 nitong Biyernes.
Sa mga ulat ng mga local executives at ni Benjamin Gaspi, regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency 11, agad na inaresto ng kanilang mga agents at mga pulis ang lalaking suspect na nagbenta sa kanila ng shabu sa isang operasyon sa Purok Tugas, Barangay Zone 3 sa Digos City, ang kabisera ng Davao del Sur.
Ilan sa mga nagsuplong sa PDEA 11 ng mga illegal na gawain ng suspek ay ang kanyang mga kamag-anak at mga kapwa empleyado sa Digos City local government unit (LGU).
Ayon kay Gaspi, naisagawa ng PDEA 11 agents ang buy-bust na nagresulta sa pag-aresto sa suspect at pagsamsam mula sa kanya ng P129,000 na halaga ng shabu, katuwang ang iba’t ibang units sa Digos City ng Police Regional Office 11 at ng Davao del Sur Provincial Police Office.
- Latest

















