^

Probinsiya

Bangka lumubog: 7 guro nasagip ng PAF reservists

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Patungong outreach activity

MANILA, Philippines — Pitong guro ang nailigtas ng mga reservists ng Philippine Air Force (PAF) makaraang aksidenteng lumubog ang sinasakyan ng mga itong bangka habang patungo sa Sacol Island sa Zamboanga City kamakalawa.

Sa report ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), kasalukuyang lulan ng bangka ang grupo ng mga guro para magsagawa ng outreach activity nang balyahin ng malalaking alon ang bangkang sinasakyan ng mga ito sa bahagi ng karagatan ng Brgy. Manicahan ng lungsod.

Kasalukuyan namang lulan ng isa pang bangka ang mga PAF reservists at personnel ng Air Reserve Center nang matanawan nila ang paglubog ng naturang bangka na sinasakyan ng mga guro dakong alas-8 ng umaga.

Hindi na nag-aksaya ng panahon ang mga reservists na agad nagsagawa ng rescue operation sa mga guro.

Tumulong din sa rescue operations ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na nakabase sa Brgy. Sangali na matapos masagip ang mga guro ay inihatid sila sa kanilang patutunguhan.

Nasira naman ang mga dalang laptops, tablets at cellphone ng mga guro matapos mabasa sa dagat.

Patungo sana ang mga guro sa Brgy. Pasilmanta sa Sacol Islands para sa kanilang outreach activity nang mangyari ang hindi inaasahang insidente.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with