Estudyante bawal sa malls ng class hours sa La Trinidad
MANILA, Philippines — Bawal magliwaliw sa mga malls at iba pang mga komersyal na establisyemento ang mga estudyante sa oras ng klase sa bayan ng La Trinidad, Benguet.
Ito’y alinsunod sa inisyung Executive Order No. 91-2026 ni La Trinidad Mayor Roderick Awingan na nagbabawal sa lahat ng mga mag-aaral sa elementarya at high schools sa pampublikong paaralan at maging sa pribado na mag-malling sa oras ng klase mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Ang nasabing kautusan ay bilang suporta sa Municipal Ordinance No. 18-2016 na nagreregulisa sa hindi maipaliwanag na mga pagliban sa klase ng mga estudyante at nagpapaalala naman sa mga business owners sa kanilang sibil na responsibilidad upang suportahan ang kapakanan sa edukasyon sa mga mag-aaral sa mga komunidad sa nasabing bayan.
Nabatid na ipinalabas ng alkalde ang nasabing kautusan matapos na makarating sa kaniyang kaalaman ang pagbubulakbol ng mga estudyante.Samantalang exempted pumasok ang mga estudyante kung may kasama ang mga itong mga magulang, guardians at maging ang mga empleyado ng mga eskuwelahan.
- Latest

















