^

PSN Palaro

Winning run itutuloy ng UE vs Ateneo

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nais ng University of the East na ipagpatuloy ang kanilang winning streak sa apat sa pagharap sa Ateneo De Manila University sa Season 87 ng UAAP men’s basketball sa Smart Araneta Coliseum.

Nakatakda ang bakbakan ng Red Warriors at Blue Eagles ngayong alas-6:30 ng gabi pagkatapos ng salpukan ng league leader University of the Philippines Fighting Maroons at University of Sto. Tomas Growling Tigers sa alas-4:30 ng hapon.

Isa sa maiinit na koponan ang UE at sila lang ang du­mungis sa malinis na kartada ng defending champions De La Salle University, 75-71, noong Setyembre 22.

Huhugot ng puwersa ang Red Warriors kina John Abate, Wello Lingolingo at Gjerard Wilson para makuha ang ikaapat na panalo para sa tsansa sa Final Four.

Sisikapin naman ng Blue Eagles na manalo upang ma­paganda ang kanilang 1-5 baraha sa team standings.

Samantala, matinding banatan din ang mapapanood sa upakan ng Fighting Maroons at Growling Tigers.

Tanging ang UP na lang ang malinis ang karta sa 5-0 at nasa tuktok ng team standings kasunod ang Green Archers na may 5-1 marka.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with