VP Sara trial, matatapos bago mag-December break - Lacson

MANILA, Philippines – Inihayag nitong Lunes ni Senator-Judge Panfilo “Ping” Lacson na inaasahang matatapos ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte bago mag-December break ang Senado.
Posible umano itong mangyari dahil sa maayos at disiplinadong pangangasiwa ni Impeachment Court Presiding Officer Francis Escudero sa mga paglilitis, gayundin sa pahayag ng defense panel na tatlo hanggang apat na testigo na lamang ang kailangan nitong iharap.
“Kakayanin ‘yan, kasi disiplinado naman ‘yung aming presiding officer, tansyado niya. At nag-usap-usap na rin kami sa caucus na kailangan matapos namin ito bago mag-December break,” sabi ni Lacson.
Magpapatuloy ang paglilitis sa Disyembre 1 at magsisimula naman sa Disyembre 19 ang adjournment ng sesyon ng Senado.
Magugunita na sinuspinde ang paglilitis noong nakaraang linggo upang mabigyan ng panahon ang Senado na talakayin at aprubahan ang 2027 budget bill.
- Latest



















