Laplapan nina Kathryn at James, trending!

Halos mag-crash ang social media feeds ng Pinoy fans matapos umere ang nakakakilig at matagal nang hinihintay na kissing scene nina Kathryn Bernardo at James Reid sa Episode 90—ang grand finale ng hit romantic-thriller series na Someone, Someday na inere sa Netflix nitong Miyerkules.
Noon pa inaabangan ng KathReid fans ang eksenang ito at pinagtatalunan nga kung mangyayari pa ba since ang role nila sa serye ay childhood best friends.
Kaya naman nang finally ay maganap na ito, halos mabaliw-baliw ang fans at nagtrending agad sa social media.
Sa nasabing eksena ay parehong wet look sina James at Kathryn sa ilalim ng malakas na ulan. Nagkatitigan muna ang dalawa bago tuluyang naglapat ang mga lips, all in slow motion na nakadagdag sa pagka-romantic ng scene.
Bumaha ng heart emojis, tilian, at nakakaaliw na komento sa Facebook, TikTok, at X (dating Twitter) mula sa mga manonood na hindi maka-move on sa rain kissing scene ng KathReid.
Hindi rin napigilan ng ibang fans ang magbiro dahil sa sobrang bagay ng dalawa on-screen.
Ang isa naman ay pinuna ang pagiging todo-bigay ni Kathryn sa eksena.
Ang dami ring nabitin sa eksena lalo pa nga’t imagination scene lang ito at nagre-request sila na sana raw ay may part 2 pa.
Vice, loyal sa Miss U!
Tulad ng mga nakaraang taon, tinutukang muli ni Vice Ganda ang live coronation night ng Miss Universe 2026 na ginanap kahapon Miyerkules, Nov. 25 (Manila time).
Isa ang Unkabogable Star sa fanatics ng Miss U pageant at hindi niya talaga pinalalampas ang panonood ng coronation night nito taon-taon.
Tulad ng dati, panay ang post ni Vice sa X ng kanyang mga reaksyon habang nanonoood na para bang nagko-coverage siya ng pageant.
Siyempre, nakatututok ang TV host/comedian sa pambato ng Pilipinas na si Bea Millan-Windorski na as we all know ay nagtapos bilang 3rd Runner-Up.
Sa pagpasok pa lang sa top 3 ni Bea ay tuwang-tuwa na si Vice at nag-tweet ng “Umiyak si Bea nung tinawag sa Top 30. Naiyak din ako andami kasi nung Top 30 dzaiiii nainip nako!”
Bukod kay Vice, hindi rin pinalampas ni Anne Curtis ang panonood ng Miss U at nag-tweet din siya ng pag-cheer sa ating kandidata.
Sey ng aktres, “Ayuuuuuu! Pasok ang Philippines! Let’s go Bea!”
Agad naman itong nirepost ni Vice at humirit ng “Sana pumasok ka din sa Showtime!”
After the coronation night kung saan hinirang na nga si Jennifer Barreto of Puerto Rico bilang Miss Universe, nag-tweet ng kanyang pagbati si Anne kay Bea sa pagpwesto nito bilang 3rd runner-up.
“Ang gaaaaaanda ng performance ni Bea #turtlementality Thank you for representing us with so much grace, elegance and beauty Bea! Ok, showtime na po Tayo!!!” sey ng aktres.
Sa live episode ng It’s Showtime ay nagpahayag naman ng pagbati si Vice Ganda para kay Bea.
“Nakaka-proud, Bea Millan-Windorski, congratulations!” sey ni Vice.
Puri naman ulit ni Anne, “ang ganda ng performance niya, ang ganda ng sagot niya about turtle mentality.”
Sagot naman ni Vice, “yeah, dapat nga, siya ang nanalo, eh.”
Sinang-ayunan naman ito ni Anne.
- Latest


















