Ellen, rumesbak sa bashers ng kanyang Chinese transformation

Hindi pinalampas ni Ellen Adarna ang netizens na nagduda sa authenticity ng kanyang viral “Chinamaxxing” photoshoot matapos niyang mag-transform na tila isang leading lady sa Chinese drama o C-drama.
Kamakailan, nag-viral ang mga larawan ni Ellen mula sa kanyang trip sa China, kung saan sinubukan niya ang Chinese beauty transformation, kabilang ang kilalang Douyin makeup look.
Maraming netizens ang humanga sa stunning transformation ng dating aktres, pero hindi rin naiwasang magkaroon ng mga kritiko na nagsabing edited umano ang kanyang mukha sa mga larawan.
Ilang beses nang nilinaw ni Ellen sa kanyang mga naunang posts na hindi Artificial Intelligence o AI-generated ang kanyang photos. Gayunpaman, may bashers pa ring nagsabing hindi man AI ang mga larawan, sobra naman daw ang editing.
Dahil dito, diretsahang sinagot ni Ellen ang mga tinawag niyang “echoserang frogs” sa pamamagitan ng isang video na ibinahagi niya sa social media.
“May mga echoserang frogs saying ‘di nga AI pero sobrang edited yung mukha’ luhhhh Ganda ka?” caption niya sa kanyang Reel.
Sa video, napatanong din si Ellen kung bakit napakaraming taong tila hindi matanggap ang kanyang transformation. “Why are there so many haters?” tanong niya.
“‘Di n’yo matanggap na sadyang magaling lang ‘yung photographer, magaling ‘yung makeup team, glam team, and production. Tsaka hindi naman ako pangit, ‘di ba?” dagdag pa niya.
Nilinaw niya na hindi raw edited ang mga larawan dahil madalian nga raw niyang kinuha ang raw files.
“I don’t think they had the time to edit it because there were 200 something photos and I chose 90 plus photos. If I had to wait for the edited photos daw, December 3 pa raw nila maibibigay and I was like, ‘No! I want it now!’” kwento niya.
Sinabihan nga raw siya ng team na maganda na raw ang pictures at hindi na kailangan ng masyadong editing.
Sinagot din niya ang tungkol sa makeup niya na aniya ay nanibago rin siya. “And about the makeup, to be honest, I felt weird, I felt like I looked like a different person because I’ve never done Douyin or Chinese makeup.
“So parang nanibago ako, parang, ‘Ano ba ‘to, mukha akong multo?’ Because my face was so white,” aniya.
“But yeah, my face looked so flawless in person, like walang ka-pores-pores, walang ka-blemish-blemish, natanggal lahat ang mga spots ko. In all fairness to them talaga, ang galing mag-make-up ng mga Chinese,” dagdag pa niya.
At sa mga taong nais ding ma-experience ang kanyang ginawa, payo ni Ellen na huwag matakot sa kalalabasan ng makeup nila. “If you guys are going to do it, yeah, ‘wag kayong matakot sa look niyo. ‘Antayin niyo na lang ‘yung final look sa camera. Trust the process,” advice ni Ellen.
- Latest






















