Highrisers itinumba ng solar spikers

MANILA, Philippines — Tinapos ng sibak nang Capital1 Solar Energy ang apat na sunod na kamalasan mula sa 26-28, 25-19, 21-25, 25-19, 15-10 pagtakas sa talsik na ring Galeries Tower sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Siklab Series kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.
Nagpasabog si Erika Santos ng 26 points mula sa 23 attacks at tatlong blocks sa pagsasara ng Solar Spikers sa kanilang kampanya sa 3-5 marka.
Tumipa si Vanie Gandler ng triple-double na 20 points, 16 digs at 10 receptions para sa kanilang unang panalo matapos lusutan ang ZUS Coffee Thunderbelles via five-set win noong Oktubre 20.
“Coming into this first conference, we said naman na we’re still trying to get our momentum,” ani Gandler. ‘I know a lot of people have a lot of expectations for this team and I understand why because we are a good team, but volleyball is really a team sport.”
Hindi naglaro ang may sakit na si Bella Belen.
Nagtala si rookie libero Detdet Pepito ng 29 excellent digs, habang may 17 excellent sets si playmaker Julia Coronel para sa tropa ni Brazilian coach Jorge Souza de Brito.
“We’re looking for the best connections. So I can’t talk about the skills only about the skills, you know, but it’s much more than this,” wika ni de Brito.
Laglag ang Highrisers sa 1-7 kartada kasama ang tatlong dikit na kabiguan.
Pinamunuan ni Jean Asis ang Galeries Tower sa kanyang 14 points.
Kinuha ng Galeries Tower ang first set, 28-26, bago nakabawi ang Capital1 at inangkin ang second sets kasunod ang kanilang pagtatabla sa fourth set.
Idiniretso ng Solar Spikers ang kanilang ratsada sa fifth set para tuluyan nang talunin ang Highrisers.
- Latest



















