^

PM Sports

Men’s league idinagdag sa MPVA

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na lamang pang chika babes ang labanan sa Maharlika Pilipinas Volleyball Association, masisilayan na rin ang malulutong na paluan ng mga kalalakihan.

Makalipas ang tatlong taon, nagpasya ang MPVA na palawakin ang liga sa pamamagitan ng pagdaragdag ng dibisyon para sa mga “Kelot” na tatampukan ng pitong koponan na maglalaban-laban simula Nobyembre 21 sa Colegio San Agustin Gym sa Lungsod ng Biñan, Laguna.

“Sen. Manny (Pacquiao) convinced us to do the men’s division because he told us and even showed us a video that he plays volleyball too in General Santos,” sabi ni MPVA Director Ian Laurel kahapon sa naganap na league launch sa Gloria Maris sa Greenhills San Juan.

Ikakasa ang home-and-away ng nasabing tournament sa pamamagitan ng dalawang laban na magtatampok sa San Pedro City kontra Pasay sa alas-3 ng hapon at makakatapat ng punong-abala na Biñan ang Sta. Rosa.

Ang iba pang miyembro ng unang liga para sa kala­lakihan ay ang Marikina, Dasmariñas City, at Imus City.

Para kay MPVA president Emerson Oreta, nais nilang matupad ang vision ng tagapagtaguyod ng liga na si Pacquiao.

“This is Sen. Manny Pacquiao’s platform for Philippine volleyball to succeed,” wika ni Oreta.

Sinabi rin ni Laurel na hindi magiging posible ang liga kung wala ang mga lokal na pamahalaan na sumali, pati na rin sina Frank at Jacob Lao ng Strong Group Athle­tics. 

MAHARLIKA PILIPINAS VOLLEYBALL ASSOCIATION.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with