^

Police Metro

Cigarette smugglers, isumbong – Malacañang

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinimok ng Malacañang ang publiko na  isumbong ang mga smuggler ng sigarilyo partikular na ang mga taga Mindanao.

Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro, na bagama’t mayroon namang mga anti-smuggling operations na ikinakasa ng Bureau of Customs (BOC) katulong ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ay mayroon pa rin mga nakakalusot na milyun-milyong halaga ng mga kontrabando.

Giit ni Castro, ­malaki ang nawawalang tax sa gobyerno dahil sa kagagawan ng mga smuggler kaya mahalaga ang tulong ng mamamayan para malipol ang mga sangkot sa smuggling ng mga sigarilyo.

Ang pahayag ni Castro ay ginawa sa gitna ng araw-araw na  may nasasakote at nahuhuli ang mga otoridad na ­milyun- milyong halaga ng sigarilyo at iba pang kontrabando sa iba’t ibang lugar sa Mindanao.

Nitong mga nakalipas na araw magkakasunod na nasabat ng mga operatiba ng Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang law enforcement agencies sa Mindanao na milyon milyon ang halaga mula sa kanilang anti-smuggling campaign.

SMUGGLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with