^

Metro

3 huli sa pot session sa Valenzuela

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado sa pot session ang tatlo katao sa magkakahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Nabatid kay Police Investigator PMSgt. Carlito Nerit Jr., unang nadakip dakong alas-3:40 ng hapon si alyas “Ferdi”, 23, sa loob ng isang bahay sa Northville 1, Brgy. Bignay ng mga tauhan ng Police Sub-Station 7. Dakong alas-5 naman ng hapon nang maaresto si alyas “Ully,” 43, sa Pinagpala St., Area 3, Sitio Pinalagad, Brgy. Malinta. Naaktuhan naman ito ng mga operatiba ng Police Sub-Station 4 na bumabatak ng shabu sa harap ng isang bahay habang nagsasagawa ng “Oplan Galugad.”

Binitbit din ng mga tauhan ng Police Sub-Station 5 dakong alas-11 ng gabi si alyas “Michael” matapos umanong maaktuhang sumisinghot ng droga sa loob ng isang bahay sa Sagip St., Brgy. Arkong Bato.

Nasamsam sa tatlong suspek ang mga drug paraphernalia na may bahid ng hinihinalang shabu na gagamiting ebidensya sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanila sa piskalya ng Valenzuela City.

ARESTADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with