Angelica, pinakaba ang fans

MANILA, Philippines — Nagdulot ng kaba ang ilang cryptic messages na naka-post sa Instagram Stories ni Angelica Panganiban.
Tungkol ang mga message sa divorce.
Tulad ng post na: “Divorce is okay. Breaking up is okay.
“Starting over is okay.
“Moving on is okay. Saying “No” is okay.
“Being alone is okay.
“What’s not okay is staying somewhere you aren’t happy, valued, or appreciated.
“That is not okay.”
Pero marami rin namang naniniwala na para lang ‘yun sa isang project ni Angelica at malabong maghiwalay sila ng kanyang mister.
Hindi pala ‘yun sa kanya, post pala ng fan pero nakalagay kasi ang pangalan ng actress.
A perfect marriage ang peg ni Angelica sa asawang si Gregg Homan kung saan meron silang isang anak na endorser na rin ng food enhancer.
Senate Committee, tinalakay ang dalawang panukala ng MTRCB
Tinalakay ng Senate Committee on Public Information and Mass Media nitong Miyerkules ang dalawang panukalang batas na nagsusulong ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Charter para sa modernisasyon nito.
Pinangunahan ni MTRCB Chair at CEO Diorella Maria “Lala” Sotto-Antonio ang Ahensiya sa isang pagdinig nitong Oktubre 21, 2026, sa ilalim ng pangangasiwa ni Senador Robinhood Padilla, ang chair ng Senate panel.
Sina Senador Vicente Sotto III at Jinggoy Estrada ang naghain sa Senate Bills Nos. (SBN) 445 at 878.
Nagpasalamat ang MTRCB Chair sa komite sa pagtalakay sa mga panukalang sumusuporta sa age-appropriate classification at responsableng panonood.
Inihain ang dalawang batas noong Agosto 2026. Ang SBN 445 ay nais patatagin ang mandato, kakayahan at organizational structure ng MTRCB, habang ang SBN 878 naman ay nais lumikha ng retained income fund para sa Ahensiya.
Matatandaan na ang MTRCB ay itinaguyod noong 1985 sa bisa ng Presidential Decree (PD) No. 1986. Walang naging pagpapalawig ng mandato o responsibilidad ng Ahensiya mula noon.
Ipinaliwanag ni Sotto na ang polisiya ng MTRCB ay hindi para sa censorship, ngunit para sa responsableng regulation ng industriya ng pelikula at telebisyon.
“Aming nire-reiterate na ang MTRCB ay naniniwala sa regulation, at hindi po prohibition,” sabi ni Chair Lala.
Iminungkahi rin ni Sotto na ang 30 porsiyento ng kita ng Ahensiya ang gawing retained income fund, sa halip ng orihinal na 50 porsiyento sa panukala ni Estrada. Ang retained income fund ay gagamitin para sa mga gastos ng MTRCB sa unang tatlong buwan ng bawat taon.
- Latest
























