Kathryn, nasa palaban era na

Mas matapang at mabangis na Kathryn Bernardo ang mapapanood sa primetime television sa pagsisimula ng isang bagong yugto ng kanyang karakter na si Billy sa hit Kapamilya teleseryeng Someone, Someday, na pasok pa rin sa Top 10 shows sa Pilipinas sa iWant.
Tampok sa bagong poster ng serye ang agaw-pansin na black and white portraits ni Kathryn na nagpapakita ng iba’t ibang emosyon ni Billy, hudyat ng kanyang mas matapang at walang-awang paninindigan na maningil ng hustisya.
Lalong tataas ang tensyon sa mga susunod na episode ng serye sa likod ng lumalalang financial crisis ng kumpanya ni Billy na LoveList, habang patuloy siya sa paniningil ng hustisya para sa kanyang pamilya laban kay Bea (Maja Salvador), sa kabila ng rebelasyong magkapatid pala sila.
Kasabay ng matitinding harapan, tuloy ang mga nakakakilig na eksena ng mag-best friend na sina Billy at Jordan (James Reid) lalo na’t hulog na hulog na si Jordan sa kanya pero ayaw pa niyang aminin kay Billy na gusto niya ito.
Samantala, nasa panganib na rin ang buhay nila dahil target sila ni Caloy (McCoy de Leon), ang kakuntsaba ni Bea na nakatakas sa kulungan.
Malalagpasan kaya ni Billy ang malaking dagok sa buhay niya? Aamin na kaya si Jordan kay Billy?
Sa totoong buhay ay buma-viral ang isang post ng netizens na nag-pickleball si Kathryn at karelasyon niyang mayor ng Lucena City na si Mark Alcala.
MTRCB, pinamunuan ang compliance seminar sa Ayala Malls
Nagsagawa ng compliance seminar ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para sa staff ng Ayala Malls Cinemas bilang bahagi ng proactive collaboration sa mga owner and operator ng mga sinehan.
Ginanap ang compliance seminar nitong Lunes, Oktubre 19, 2026, sa Ayala Malls Head Office sa Makati City.
Ito ay matapos humiling ang Ayala Malls Cinemas ng refresher orientation para sa kanilang management team and frontline cinema personnel.
“We appreciate their desire to strengthen their understanding of the MTRCB’s requirements. We are always happy to hold these compliance seminars for our stakeholders and partners in the film and TV industry as part of our efforts to promote responsible viewing,” sabi ni MTRCB Chair at CEO Lala Sotto.
Pinag-usapan ang mga regulation at policy ng MTRCB tungkol sa age-appropriate classification, pag-verify ng edad ng movie patron, mga permit and display requirement, patakaran sa monitoring at inspection, mga prosesong administratibo, atbp.
Hinikayat nila ang mga movie theater personnel na i-download ang MTRCB App, na magagamit sa pag-scan ng QR code ng Permit to Exhibit ng isang pelikula upang matiyak ang authenticity at validity nito.
- Latest
























