Say ni Sarah: Annabelle unpredictable, Barbie ganda lang

MANILA, Philippines — Pinagpipiyestahan ngayon sa social media ang aktres na si Sarah Lahbati matapos ang kanyang pahayag tungkol sa fictional dolls na sina Barbie at Annabelle.
Sa isang conversation kasama ang film director na si Darryl Yap, na ibinahagi sa Facebook page ng Viva Films tinanong ng filmmaker si Sarah kung sino ang mas kinatatakutan niya kina Barbie at Annabelle. “Magbibigay ako sa’yo ng dalawang manyika, tapos you tell me kanino ka mas natatakot. Kanino ka mas natatakot, kay Annabelle o kay Barbie?” tanong ni Direk Darryl.
“‘Yung manyika ito ah!” paglilinaw ng direktor.
Diretsong sagot naman ni Sarah, “Ganda lang siya, eh” na ang tinutukoy ay si Barbie doll.
Tila pang-uurot naman ng direktor, “ay ganda lang siya? Si Barbie?”
“Oo, nu’ng bata ako, ‘yun ‘yung nilalaro ko,” sagot ng aktres.
“Pakiramdam ko, mas nakakatakot si Annabelle, the doll, because unpredictable siya sa pelikula. Hindi mo alam ang gagawin niya,” dagdag ni Sarah.
Umani kaaagad ng reactions ang video sa social media at ikinonek ng netizens ang dalawang manyika sa aktres na si Barbie Imperial at sa talent manager na si Annabelle Rama.
As we all know, estranged husband ni Sarah si Richard Gutierrez na ang kasalukuyang girlfriend ay si Barbie habang nanay naman ng aktor si Tita Annabelle.
Matatandaang noon pa ay naging running joke na sa socmed ang dalawang manyika na nagsimula nang ma-link si Richard kay Barbie. Ilang memes na rin ang ginawa tungkol sa kanila at pinagkukumpara pa ang dalawang dolls na nagkataon ngang kapangalan ng nanay ni Chard at ng kanyang GF.
Joey, emosyonal sa ginawa ni Toni
Hindi napigilan ng veteran TV host-comedian na si Joey de Leon ang maging emosyonal nang sorpresahin siya ni Toni Gonzaga sa kanyang birthday celebration sa Eat Bulaga noong Oct. 10.
Bilang bahagi ng selebrasyon para sa nalalapit na ika-80 kaarawan ni Joey sa Oct. 14, naging special guest si Toni sa live episode ng longest-running noontime show sa buong mundo.
Personal na binati at kinantahan ng aktres/TV host ang tinaguriang Henyo Master na hindi napigilang mapaluha sa harap ng Dabarkads at televiewers.
Ayon kay Joey, naging emosyonal siya dahil naalala niya ang panahong siya ang unang umaway kay Toni nang umalis ito sa Eat Bulaga, kung saan naging host ang aktres mula 2002 hanggang 2005.
Gayunman, ipinakita ni Toni na okay na okay na ulit sila ni Joey matapos ang nakaraang hindi pagkakaunawaan. “Love na namin ang isa’t isa forever,” pahayag ni Toni, na nagbahagi rin ng ilang hindi malilimutang karanasan noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.
Isa sa mga kuwentong ikinatuwa ng Dabarkads ay ang karanasan niya sa pagkain ng buhay na hipon dahil sa takot niya kay Joey noong 19 years old pa lamang siya. “Feeling ko kapag hindi ko kinain ‘yung buhay na hipon, magagalit siya sa akin tapos baka matanggal na ako sa Eat Bulaga!” kuwento ni Toni.
Dahil sa takot na baka mawalan siya ng trabaho, napilitan umano siyang kainin ang buhay na hipon sa kabila ng kanyang pag-aalinlangan.
- Latest






















