Gelli nc na, Janice may parinig sa defensive
No comment na kagabi si Gelli de Belen tungkol sa kontrobersiya sa kanila ni Dennis Trillo nang dumalo siya sa red carper premiere ng pelikulang Mantsa na mag-uumpisa nang mapanood sa sinehan bukas, Miyerkules.
Mabilis din itong umalis kasama si Janice de Belen.
Ito ay matapos in a way ay naki-join si Janice sa issue nina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado sa isang cryptic post sa Instagram.
Nag-post nga si Janice ng isang quotation na nakatuon sa pagiging defensive ng isang tao. “One of the strongest signs of intelligence is the ability to consider another person’s perspective without becoming defensive,” saad ng quote.
“Curiosity reveals a sharp mind. It shows who is committed to understanding rather than winning,” sabi niya.
At ang judgment ng marami, pagtatanggol ito ang kanyang kapatid na binabash-bash ngayon dahil sa naging pahayag nito sa talk show na Chika Cart.
Maalalang bumuwelta si Dennis kay Gelli at feeling niya ay kinakampihan ng aktres si Patrick.
Well, tama naman ang ginawa ni Gelli.
Dedmahin na ang isyu. (SVA)
- Latest


























