^

PSN Showbiz

Dennis, nilaro ang ambag ni Patrick?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Dennis, nilaro ang ambag ni Patrick?!
Dennis at Patrick
STAR / File

In all fairness kay Dennis Trillo, may karapatan siyang komprontahin o sugurin si Patrick Garcia tungkol kay Jazz, anak nina Jennylyn Mercardo at Patrick. Well, ‘yun ay kung naisip niyang gawin ‘yun.

So far, pulos laro lang ang post ng actor.

Naalala ko na lahat ng school activities ni Jazz, si Dennis ang kasama ni Jennylyn. Hindi kahit kailan nakita si Patrick sa eskwelahan ng anak nila noon. Hindi pa mag-asawa noon sina Dennis and Jennylyn.

Anyway, pulos laro lang nga ang parang sagot ni Dennis. Naghamon siya ng dance showdown na hindi pinapangalanan kung sino ang hinahamon. “Gusto mo dance showdown nalang tayo eh!!! Kapag naka 10k likes…ituloy nating ang dance battle,” eh pinatulan siya ng invested netizens sa ginawang pagpapa-interview ni Patrick Garcia tungkol sa kanyang misis ngayon.

Ang daming nag-like hanggang umabot ng 10k. Kaya naman kinailangan niyang sumagot na “Wag na kayong umasa, walang magaganap na showdown! Alam na naman natin sino mananalo, joke lang po”

Isa pang nakakatawa niyang post ay tungkol sa tote bag.

Another day, another bag ang peg niya na ala-vlogger na nagbebenta ng bag. “Hello there, everyone. Another day, ­another bag. At siyempre, hindi naman kaila sa ating lahat na ang mga lalaki, nahihilig na rin sa mga bags.

“Kaya today, itatanong natin kung ano-ano ang paborito nyong dalhin na mga bags,” umpisa ni Dennis.

Saka nila ipinakita ang red tote bag na may nakasulat na “Not Today Satan” at sa bandang ibaba ay may nakasulat ring “privileged & entitled.”

Sabi pa niya, bet niya ang nasabing bag dahil marami ang nalalagay rito at pula para may pop of color sa kanyang outfit. “Oh ikaw? Ano ang bag mo?”  huling tanong ni Dennis sa nasabing post. Read: “ano ang ambag mo?”

So alam na dat. Ang witty. Ang lakas ng dating pero alam mong sapul ang tama.

Talagang napuri si Dennis sa taba ng kanyang utak na simpleng pa-shady sa ex ng misis na biglang nag-iingay. Kaya naman trending si Dennis.

DENNIS TRILLO

PATRICK GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with