^

Police Metro

VP Sara at mister mayroon 51 baril

Gemma Garcia, Joy Cantos - Pang-masa
VP Sara at mister mayroon 51 baril
Philippine Vice President Sara Duterte gestures as she leaves the Hall of Justice in Quezon City, Metro Manila on September 11, 2026.
AFP / Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines — Naungkat sa impeachment trial na mayroong 51 na pag-aaring baril si Vice President Sara Duterte at ang mister nitong si Atty. Mans Carpio.

Ito ang inihayag ni Police Major Joericson pangalang mula sa PNP Firearms and Explosives Office nang isalang ito bilang saksi ng prosecution sa ika-30 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Inihayag ni Sangalang na nagtataglay ang bise presidente ng 22 baril, kabilang ang isang class-A light weapon na may kakayahang magpakawala ng burst of fire habang ang kanyang asawang si Mans ay nagmamay-ari naman ng 29 na baril na kinabibilangan ng isang class-A light firearm at isang may pasong lisensya.

Ayon sa panel ng prosecution, gagamitin ang testimonya upang patunayang may hawak ang mag-asawa na mahigit 50 baril na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P7 milyon na dapat sana’y hiwalay na inihayag bilang personal na ari-arian sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

Kinuwestiyon ng ilang senador-judge ang kaugnayan ng nasabing ebidensya sa kaso, ngunit iginiit ng prosecution na mahalagang ideklara ang bawat rehistradong sandata sa SALN.

Iginiit naman ng depensa na ang mga halagang ito ay nakabatay sa kasalukuyang presyo sa merkado at hindi sa aktwal na halagang binili ng mag-asawa.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with