Red Lions magiging mabangis vs Pirates
MANILA, Philippines — Nais ng defending champion San Beda University na makabangon mula sa pagkakadapa sa una nilang laro sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament.
Makakalaban ng two-peat seeking SBU ang Lyceum of the Philippine sa alas-3 ng hapon habang magkatapat ang Letran at Emilio Aguinaldo sa alas-5 ng hapon.
Inalat agad ang unang laro ang Red Lions nang gilitan sila ng College of Saint Benilde Blazers, 68-77 noong Setyembre 13 kaya asahang magdo-doble kayod sila para makuha ang unang panalo.
Galing ang San Beda sa game cancellation kontra Jose Rizal University dahil sa lakas ng ulan at pagbaha sa kalye kaya mahaba-haba ang kanilang ipinahinga.
Para sa Pirates, huhugot naman sila ng lakas sa momentum dahil nagwagi sila sa pahirang laro kontra Mapua University, 88-87.
Tiyak na kakapit ang Pirates sa opensa ni Aurigue para masilat ang tigasin at mabangis na Red Lions.
Samantala, puntirya ng Knights na sibatin ang three-game winning streak upang masolo nila ang tuktok ng team standings sa Group B.
Parehong may tig-2-0 baraha ang Letran at Arellano University.
- Latest


















