Eala hawak No. 3 seed sa Singapore Open

MANILA, Philippines — May pagkakataon pa para makapagpahinga at makapag-ensayo si Alex Eala bago sumabak sa 2026 Singapore Open na ginaganap sa Kallang, Singapore.
Base sa inilabas na draw ng mga organizers, hawak ni Eala ang No. 3 seed kaya’t nakasiguro ito ng first round bye.
Uumpisahan ni Eala ang kampanya nito sa Round of 16 na lalaruin sa Miyerkules.
Wala pang kalaban si Eala dahil hihintayin pa nito ang mananalo sa pagitan nina Sofia Costoulas ng Belgium at Tatiana Prozorova ng Russia sa opening round.
Lalaruin ang laban nina Costoulas at Prozorova ngayong araw.
Nasa draw ni Eala si Croatian Donna Vekic na posible nitong makaharap sa quarterfinals.
Nakalinya rin si Amanda Anisimova ng Amerika sa semifinals at reigning French Open champion Mirra Andreeva ng Russia sa finals.
Kaya naman walang sinasayang na sandali si Eala dahil pukpukan ang ensayo nito bawat araw para masigurong nasa perpektong kundisyon ito.
Inaabangan na si Eala ng mga Pinoy fans sa Singapore na nais siyang masilayan sa paglalaro.
Nang dumating ito sa Singapore, agad na sumalang si Eala sa isang event.
Nagkaroon pa ito ng pagkakataon na ma-interview ng CNA Lifestyle kung saan tinanong ito ung sino kina boxing legend Manny Pacquiao at tennis great Rafael Nadal ang pipiliin nito.
Hindi naman nagbigay ng sagot si Eala.
“Guys, that’s not fair. You guys did me dirty,” ani Eala.
Ang Singapore Open ang unang torneo ni Eala matapos ang US Open.
- Latest




















