Baseco Beach pinagtulungang linisin
MANILA, Philippines — Nagtulung-tulong ang mga volunteers, grupo ng mga kabataan, at mga kawani ng pamahalaan sa paglilinis sa Baseco Beach sa Port Area, sa ika-41 International Coastal Cleanup nitong Sabado.
May temang “Clean Seas for Resilient Communities” ang aktibidad na kabilang ang Baseco Beach sa mga pangunahing cleanup site sa Pilipinas.
May bitbit na mga trash bag at suot ang protective gear nang mamulot sila ng mga kalat na plastic at iba pa.
Bahagi ang aktibidad nang sabay-sabay na paglilinis sa buong bansa, kung saan naglinis ang mga boluntaryo sa mga baybayin, ilog, at iba pang daluyan ng tubig sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa mensaheng inihatid ni DENR Metropolitan Environmental Office-North OIC Director Glenn Alvin Gustilo, na kumatawan kay Environment Secretary Juan Miguel Cuna, binigyang-diin ng Department of Environment and Natural Resources ang pangangailangan ng sama-samang pagkilos para protektahan ang marine ecosystems.
- Latest



















