^

Pang Movies

Andrea, imbyerna sa ginawa ng BFF

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Andrea, imbyerna sa ginawa ng BFF
Andrea

Halatang naimbyerna si Andrea Brillantes sa pagsasamang muli ng kaibigan niyang si Bea Borres at ang ex-dyowa nito na si Meray Yamada.

Nagkaroon kasi ng collaboration video ang ex-couple kung saan ay makikitang sinubuan pa ni Bea ng cake si Meray na as we all know ay tatay ng kanyang anak.

Ang daming kinilig sa vlog and in fairness, malakas talaga silang dalawa sa fans dahil viral na ngayon ang collab video.

Pero kung marami nga ang kinilig, kabaligtaran naman ang naramdaman ni Andrea nang mapanood ang video.

Isang netizen ang nag-repost sa TikTok ng isang bahagi ng vlog at dito nagkomento si Blythe. “Lahat kayo kinikilig pwes ako hindi. Ma un-interested na nga lahat ng gantong content sa fyp ko,” reaksyon ni Andrea na halatang imbiyerna.

Dagdag pa niya,”no shade to the editor or anyone really. idk bye”.

Marami naman ang um-agree sa comment ng aktres.

Matatandaan kasing naging kontrobersyal ang ex-couple nang mabuntis ni Meray si Bea at naghiwalay sila.

Kaya naman habang nagbubuntis si Bea ay wala sa tabi niya ang ama ng kanyang anak hanggang sa makapanganak na siya.

Paliwanag naman ni Bea sa collab video nila ni Meray, for the content lang naman daw ito dahil malakas at mataas daw kasi ang engagement kapag kasama niya ang ex sa kanyang mga vlog.

Hindi raw kasi nagsusustento si Meray sa anak nila kaya ‘gagatasan’ na lang daw niya ito. Ang lahat daw ng kikitain ng vlog ay mapupunta sa kanyang baby.

Echo, binuhat si Janine

Pinakilig nina Jericho Rosales at Janine Gutierrez ang kanilang fans sa bagong video ng dalawa habang nasa Los Angeles.

Kahit kasi nasa ibang bansa sila, pinatutunayan ni Echo ang kanyang pagiging sweet and protective boyfriend.

Isang netizen na nag-post ng video sa Instagram kung saan ay makikitang maulan sa LA. Nasa kalsada sina Echo at Janine na tila kabababa lang sa sasakyan.

 Naka-gown si Janine with matching high heels habang si Echo naman ay naka-formal suit. Tila may isang grandeng okasyon na dadaluhan ang celebrity couple.

Dahil umuulan nga ay basa at madulas ang daan kaya ang ginawa ni Echo, binuhat niya si Janine upang hindi mabasa ang shoes nito at dinala sa medyo tuyong part. “Coz it’s raining in Manila, pati dito sa Hollywood,” ang caption ng netizen.

Kinilig naman ang EchoNine fans at super-puri nila ang sweetness ng aktor.

ANDREA BRILLANTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with