Eala palaban sa US Open

MANILA, Philippines — Mas mabagsik at uhaw si Pinay neter Alex Eala sa oras na tumuntong ito sa US Open sa New York.
Ito ay base sa magandang inilalaro nito sa hard court season.
Pinakamagandang resulta nito sa kanyang tennis career ang kampeonato sa Mubadala DC Open sa Washington DC sa Amerika.
Sa kanyang bawat laban, bitbit ni Eala ang never say die spirit na isa sa magagandang armas nito.
Sa kabila ng injury, pagod at iba pang mga nakakaapekto sa kanyang laban, hindi sumusuko si Eala.
Sa halip, ipinapakita nito ang tunay na dugong Pinoy na palaban.
“You have to rust yourself enough and you trust yourself enough to hang on there a little bit. Hang in there if it’s tough, it’s tough and hang in there and wait for my opportunity,” pahayag ni Eala.
Masaya si Eala na unti-unti na nitong naaabot ang minsan na pangarap lamang.
At umaasa itong mas lalo pa itong uusbong at lalago sa mga susunod na labang haharapin nito.
“My dreams have really been coming to life. What’s beautiful about it is that I still have more to achieve, more to experience,” ani Eala.
At sa pagtungtong nito sa US Open, tiyak na bitbit ni Eala ang Pinoy spirit kasama ang milyong mga Pilipinong patuloy na sumusuporta sa kanyang bawat laban.
Puspusan na sa ensayo si Eala para masigurong handang-handang ito sa laban.
Sasabak si Eala sa singles na seeded player habang masisilayan din ito sa mixed doubles kasama si Canadian Felix Auger-Aliassime.
- Latest

















