Banned
Dalawang buwan matapos ang pagkalunod at pagkamatay ng Ateneo players na si Rene Baterbonia and Divine Adili sa Aurora, lumabas na ang decision ng UAAP.
Banned na si Tab Baldwin, ang reigned Ateneo coach at dating Gilas coach, sa UAAP.
Ano ang ibig sabihin nito?
Mula ngayon, habang hinanarap ni coach ang kaso, dehins na siya pwede mag coach sa Ateneo at kahit anung UAAP team. Banned din siya in any UAAP competition at kahit administrative, advisory or official duties na related sa UAAP.
At hindi lang yan, bawal din siya pumasok sa any competition venue ng UAAP.
Kumbaga, basta UAAP event, no entry na si coach.
Sabi pa ng UAAP, final at dehins appealable ang desision.
Kasama din sa nahatulan ang team manager, assistant coaches at physical therapist. Ang kaibahan lang eh appealable ang kaso nila.
Pwede sila umapila na makabalik sa UAAP in any capacity.
And ang good news, allowed mag compete ang Ateneo sa UAAP especially sa basketball.
Pero nasabihan sila na magkaroon ng isang “comprehensive reassessment” ng kanilang structure lalo na sa training and off-campus activities gaya ng nangyari nung June 8 na ikinamatay ng dalawang players sa isang beach sa Aurora.
Welcome sa Ateneo ang UAAP decision especially na pwede pa rin mag-compete ang teams nila.
Sana eh tanggap din ito ni coach.
- Latest


























