Rommel, binakbakan si Angel

Ang daming pumik-ap at natuwa sa ipinost ni Angel Locsin tungkol sa pag-call out niya kay Sen. Robinhood Padilla.
Ang daming share, pero marami rin ang dedma.
Hayaan na lang daw ang actor/senator na tila may sariling mundo ito.
Isa ako sa nag-abang kung sasagutin ba ‘yun ni Sen. Robin, pero nagpaliwanag na lang siya ng sariling pananaw niya sa komunismo.
Ang kaagad na nag-react at pumatol sa post ni Angel ay ang kapatid ng senador na si Rommel Padilla.
Sinagot niya ito at pinuna ang post na ‘yun ng dating aktres.
Aniya, “Nag-ingat si Angel Locsin sa issue ni Robin pero tahimik siya sa baha, nakawan at flood control. Angel, ‘yung pinagtanggol ni Robin enelect ng 32M vs. pansarili mong issue.
“Akala ko matalino pang Darna ka lang pala talaga. Ding and Bato, (at may iba-ibang emojis).”
Nabaling tuloy kay Rommel ang bashing ng karamihang netizens.
Si Rommel Padilla ay napapanood pa ngayon sa Blood vs Duty na malapit nang matapos.
Magmula nang isinali si Sen. Robin sa naturang drama series na napapanood din sa Netflix, nalaglag na ito sa top 10 trending ng naturang streaming app.
May mga nag-react pa rin kapag nasa eksena si Sen. Robin, lalo na ‘yung magkaeksena sila ni Rommel. Magmula nu’n ay hindi pa nakabalik sa top 10 ang naturang action drama series nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson.
Ewan ko lang kung sasampa ito ngayong ilang episodes na lang ang natitira sa Netflix.
Coco, pinuri ang achi ni Julia
Ngayon lang naramdaman ng chemist at philanthropist na si Pinky Tobiano na talagang bahagi siya ng pamilya ng Sigabo.
Nag-celebrate siya ng kanyang kaarawan sa Manila House Private Club Inc. noong Martes, July 14, na bukod sa close friends niya sa showbiz, dumalo rin ang mga taga-Sigabo na pinangunahan ng mag-partner na Coco Martin at Julia Montes.
Dumalo rin sina Carmi Martin at Arci Muñoz na madalas niyang nakakaeksena.
Nagbigay rin ng mensahe ang ilang invited guests.
Nagpasalamat si Julia sa suporta ng Achi Pinky niya sa itinayo nilang negosyo. May mga panahon daw noon na mahina ang sales ng Swiss Proli nila, si Pinky raw ang maraming napapamili. Ganundin si Coco na nagpasalamat na ipinakilala ni Julia sa kanya si Pinky.
Sabi pa ni Coco kay Pinky, “Hindi ko inaakala na makilala ko kayo. Dahil laging naririnig kay Julia ‘si Achi Pinky, si Achi Pinky.’ Hindi ko siya kilala e. Pero lagi siyang kinukuwento ni Julia.
“Lahat ng mga magagandang ginagawa niya kay Julia, pagtulong.
“Tapos biglang isang araw… napakasuwerte mo naman, may ganyan kang kaibigan. Kasi kami ni Julia, broken family kami e. Kulang kami sa guidance ng magulang. Tapos ‘pag nagkuwento si Juls sa akin, parang nagkaroon siya ng isang nanay, isang magulang na ginagabayan siya sa tamang aspeto, lalo na sa maliit naming negosyo.”
Ibinahagi na rin ni Coco na ang laki raw ng naitulong ni Pinky sa kanilang TakeOUT Food Store na negosyo.
Ang sipag daw nitong mag-recommend sa close friends niya para lang malaman na may ganu’ng negosyo ang mag-partner. “Sabi ko nga, biruin mo, sa gulo na mga nangyayari sa mundong ito, sa ating bansa. Meron pa palang ganu’n kabuting tao na hindi naman niya kaanu-ano si Julia, naging kaibigan niya lang. Naging kakilala niya lang. Pero ang pagmamahal niya na ibinibigay, na ipinapakita niya, sobra-sobra. Ngayon na nagkakilala kami, ramdam na ramdam ko ‘yun.
“Napakasuwerte naman natin. Sino ba tayo? Kami ni Juls, ang tingin namin sa sarili namin napakaliit e. Tapos may isang tao, na ang taas-taas ang tingin ng maraming tao sa kanya, siya ang nag-a-approach ng tulong sa amin, nagte-text sa amin. Parang napakasuwerte naman namin na magkaroon ng ganitong klaseng kaibigan,” saad ni Coco.
Kaya, naisip lang daw niyang isali si Pinky sa Sigabo bilang kaibigan ni Carmi Martin, na inayunan naman agad ni Julia. “Sinabi sa akin ni Juls kung gaano katuwa si Achi. Dumating siya naka-back pack mag-isa. Talagang inaaral niya kung ano ‘yung sistema ng show.
“Walang reklamo. Nagpo-promote, nagmo-motorcade kami sa napakainit, napakaraming tao, walang reklamo. ‘Yung adjustment, ‘yung pagiging professional sa trabaho. Ganun kagrabe!” sabi pa ni Coco.
- Latest




















