Kyline, napagod sa relasyon!

Mahigit isang taon na ang nakalilipas nang magkahiwalay sina Kyline Alcantara at Kobe Paras.
Ngayon ay hindi pa umano handang makipagrelasyong muli ang Kapuso actress. “Nando’n pa rin ako sa I will never give up on love. Nando’n pa rin ako. But right now, I’m not ready for it. I know for a fact that I’m not ready now because I just… I’m not entertaining anybody. Siguro, I just got tired of the whole process of getting to know each other again, the whole cycle of it,” makahulugang pahayag sa amin ni Kyline sa Fast Talk with Boy Abunda.
Aminado ang dalaga na nakararamdam ng takot na masaktan kapag muling nakipagrelasyon. Mayroon daw payo ang pamilya kay Kyline tungkol sa pag-ibig at pakikipagrelasyon. “Kasi parang medyo natatakot na din ako masaktan ulit eh, and masaktan din ‘yung family ko. ‘Wag magmadali, ‘wag po magmadali if meron kang nagugustuhan na isang lalaki, kilalanin mo nang mabuti muna before you really fall for that person,” pagbabahagi ng Kapuso actress.
Sa ngayon ay ang pagtatrabaho muna ang pinagtutuunan ng panahon ni Kyline. Mayroong mensahe ang aktres sa lalaking posibleng makapagpapatibok muli ng kanyang puso. “Wait ka lang diyan. Hindi pa ako ready. Kaya siguro ako mabilis ma-in love or just to give love that easily, it’s because I feel I have too much love to give. So, I just want to give it to people like for example, my friends, my family, and then my special someone. Siguro kaya gano’n,” makahulugang pahayag ng dalaga.
Dingdong, ‘di pa makatiyempo ng bakasyon!
Painit nang painit ang mga tagpo sa The Master Cutter na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes. Malapit umano sa puso ng aktor ang pagganap niya bilang si Atoy na ama-amahan ng karakter ni Sienna Stevens na si Ibyang. “Dito iikot talaga sa kwento ng pagiging anak-anakan niya, kay Ibyang. Kasi siyempre inaapi si Ibyang ng ibang mga bata. So tatayo siya bilang father figure ni Ibyang,” pagdedetalye ni Dingdong sa 24 Oras.
Lubos ang pasasalamat ng Kapuso Primetime King dahil sa patuloy na pagsubaybay ng mga manonood sa naturang GMA Primetime series. “Every day kaming magpapasalamat sa lahat ng tumatangkilik. Kagaya ng promise namin, mula umpisa, patindi nang patindi ‘yung mga revelation. Kaya mas nagiging exciting ‘yung kwento,” nakangiting paglalahad ng aktor.
Bukod sa The Master Cutter ay abala rin ang aktor bilang host ng game show na Family Feud. Kahit kabi-kabilang proyekto ang ginagawa nina Dindong at Marian Rivera ay nagpaplano ang mag-asawa na makapagbakasyon kasama ang mga anak na sina Zia at Sixto kung mabibigyan ng pagkakataon. “Pagkatapos ng The Master Cutter siguro, hahanap kami ng tiyempo. Hindi pwedeng wala, kailangan talaga eh,” giit ng Kapuso actor. — Reports from JCC
- Latest




















