Agot, pinatalsik na si Robin!

Tanong ng viewers ng Blood vs Duty ng ABS-CBN, may kinalaman ba sa nangyayaring kaguluhan sa bansa ang balitang mawawala na ang karakter ni Sen. Robin Padilla sa nasabing serye ng Kapamilya channel?
Pinakinggan na raw ba ng production na nasa likod ng serye ang panawagan na tapusin na ang partisipasyon ni Robin sa serye?
Nagkaroon pa lalo ng isyu dahil sa pag-exit ni Robin sa serye, papasok naman si Agot Isidro at gagampanan ang karakter ng presidente ng bansa. Lumabas na yata ang episode na ipinakita si Agot bilang si President Nathalia Mendoza sa nasabing serye.
Sabi naman ng fans ni Robin, matatapos na ang serye, guest lang si Robin at may closure na ang kanyang karakter.
May mga nag-comment lang na maganda sana kung nag-abot sa serye ang karakter nina Robin at Agot, mas may isyu dahil in real life, hindi feel ni Agot si Robin bilang senador. May mga pahayag si Agot patungkol sa senador na kinuwestiyon ang intellectual capacity ng senador.
Angel, mas piniling ipagalaw ang balakang!
Hindi idine-deny ni Angel Castro na nagpa-enhance siya ng balakang at ang sagot nito sa tanong tungkol dito ay “Hindi ba obvious?” In fairness, kahit hindi tanungin, makikita namang may malaking pagbabago sa parteng ‘yun ng kanyang katawan.
Kung bakit hindi ang boobs o any part ng mukha ang ipina-enhance, hindi naitanong kay Angel na game na-share ang vitals stats niyang “32-24-36.” Kaya naman, every time kinukunan siya ng larawan sa mediacon ng VMX movie na Bagong Tukso 2, hina-highlight ang malaking balakang.
Sa unang mga kuha kay Angel, lagi itong nakatalikod at sideview lang ng mukha ang ipinapakita. Nakatungo rin ito madalas, hindi humaharap sa press and later on, inaming may problema siya sa mata kaya hindi makapag-eye contact.
Nagkaroon ng eye infection si Angel nang magpalagay ng eyelashes na plastic daw ang ginamit at dahil doon, muntik na siyang mabulag. She is still under medication, kaya umiiwas sa ilaw.
Check kung gaano ka-daring si Angel sa Bagong Tukso 2 na streaming simula July 14, 2026 sa Vivamax. This is directed by Rodante Pajemna, Jr.
Ryzza, nag-hi na kay Kim!
Nakakaloka si Joey de Leon dahil sa episode ng Eat Bulaga kahapon, tinanong si Ryzza Mae Dizon ng “Kelan kayo mag-uusap ni Kim Chiu?” Sagot ni Ryzza, “Hi po!!!” na si Kim ang pinatutungkulan. May kasama pang wave ang sagot na ‘yun ni Ryzza.
Comment ng fans, magkita na raw sina Kim at Ryzza para matuldukan na ang isyu sa kanila at naniniwala ang fans na madali silang magkakaayos dahil wala naman talaga silang isyu
Tao lang daw ang gumawa ng isyu na lumaki dahil marami ang nakisawsaw. Patuloy na ipinagtatanggol si Kim ng fans nito, wala raw itong masamang sinabi at hindi si Ryzza kundi ang co-host na si Jugs Jugueta ang tinukoy na kamukha ni Lotus Feet.
May fan naman ni Ryzza na ang mukha ni Kim noong bago pa lang sa showbiz ang ipinalit sa mukha ni Jugs and between her and Ryzza, siya raw (si Kim) ang kamukha ni Lotus Feet.
In fairness, nakadagdag sa saya sa showbiz ang Kim-Ryzza isyu.
- Latest



















