Digong suportado ang mga dumalo sa INC rally

MANILA, Philippines — Inilahad ni Veronica “Kitty” Duterte ang naging mensahe ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng nagpapatuloy na pagtitipon ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo o INC.
Ayon kay Kitty, personal niyang ipinaabot sa dating Pangulo ang sitwasyon sa rally, kabilang ang mga panawagang accountability, justice, peace, at transparency na isinusulong ng mga dumalo sa pagtitipon.
Ang mensahe ni Duterte ay ipinarating ng kanyang anak na si Kitty sa pakikipag-usap niya sa mga taga-suporta ng kanyang ama sa The Hague, Netherlands nitong nakaraang Hulyo 1, 2026.
Matapos marinig ang mga layunin ng rally, simple ngunit malinaw umano ang naging tugon ni Duterte. Aniya, sinabi ng dating Pangulo sa mga Pilipino na ipagpatuloy ang kanilang ipinaglalaban.
Ibinahagi ni Kitty, direktang sinabi umano ni Duterte, “Sa mga Pilipino, ipagpatuloy niyo ‘yan,” na aniya’y sumasalamin sa suporta nito sa mga panawagan ng mga kalahok.
Patuloy namang pinag-uusapan sa publiko ang naging mensahe ng dating Pangulo, lalo na sa gitna ng mga usaping may kinalaman sa pananagutan, kapayapaan, at transparency sa bansa.
Si Duterte ay nakatakdang litisin ng International Criminal Court (ICC) dahil sa crimes against humanity.
- Latest



















