^

Police Metro

Driver sabog ang mukha sa tandem

Doris Franche-Borja - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang 58-anyos na lalaki nang malapitang barilin ng isa sa dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo sa mukha, kamakalawa sa Brgy. Longos, Malabon City.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Benjamin Codilan , driver, residente ng Barangay NBBS, Navotas City.

Sa imbestigasyon ng Malabon City Police, nangyari ang insidente, alas-12:26 ng tanghali sa Block 49, Pampano St, Barangay Longos, Malabon City.

Nakatayo ang biktima nang hintuan ng mga suspek na sakay ng Honda Beat motorcycle at isa sa mga sakay ay bumaba at malapitang binaril sa mukha ng dalawang ulit ang biktima.

Nang makitang duguan ang biktima agad na tumakas ang mga suspek sa direksiyon ng C4 Road, Navotas City.

Nagsasagawa na ng follow-up at manhunt ope­ration ang Malabon City Police upang matukoy ang mga suspek na nahaharap sa kasong murder.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with