Isang kaso lang sapat na - ICC

Para sa crime against humanity
MANILA, Philippines — Ayon sa International Criminal Court, sapat na ang isang kaso ng pagpatay sa pagsusulong ng crime against humanity o krimen laban sa sangkatauhan.
Sinabi ng ICC sa report ng GMA news na hindi kinakailangang marami ang bilang ng murder o iba pang uri ng kaso sa paghahain ng ‘crime against humanity.”
Sa ulat ni Mariz Umali, sinabi ni ICC spokesperson Fadi El Abdallah na kung may plano para sa malawakang pagpatay ng mga sibilyan, kahit isa lang kaso ng murder ay pasok sa crime against humanity.
Matatandaan na nais makita ni Vice President Sara Duterte ang ebidensiya sa sinasabing 30,000 na mga namatay sa giyera laban sa droga ng nagdaang administrasyon na basehan sa pagsasampa ng crime against humanity sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa mga human rights group nasa 30,000 ang napatay sa madugong war on drugs pero sa rekord ng pulisya, ang bilang ay nasa 6,000 lamang.
Muli namang iginiit ng lead defense counsel ni Duterte na si Nicholas Kaufman, ang kanilang posisyon na ang ICC ay walang hurisdiksyon kay Duterte, dahil ang Pilipinas ay umatras sa Rome Statute bago nagsimula ang imbestigasyon.
- Latest