^

Probinsiya

Misis tinarakan ng bayaw, todas!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Misis tinarakan ng bayaw, todas!
Isang malalim na saksak sa kanang bahagi ng tiyan ang agad ikinasawi ng biktima na kinilalang si Rowena Sapinoso, may-asawa, residente ng naturang barangay.
STAR/File

MINALABAC, Camarines Sur, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 41-anyos na misis matapos na saksakin ng kanyang bayaw makaraang magtalo sa harap ng kanilang bahay sa Purok-5, Brgy.Tariric, Minalabac, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Isang malalim na saksak sa kanang bahagi ng tiyan ang agad ikinasawi ng biktima na kinilalang si Rowena Sapinoso, may-asawa, residente ng naturang barangay.

Agad namang ­naaresto ang bayaw na suspek na kinilalang si Vergel Sapinoso, ­44-anyos, construction worker na nahaharap sa kasong pagpatay.

Sa ulat, alas-4 ng hapon habang nasa harap ng kanilang bahay ang ginang nang duma­ting ang bayaw at sa hindi malamang dahilan ay nagtalo ang dalawa.

Sa gitna ng mainit na pagtatalo, umuwi sa kanyang bahay ang suspek at pagbalik ay armado na siya ng patalim at agad inundayan ng saksak ang hipag sa tiyan na duguang humandusay.

Mabilis na isinugod ng mga kaanak at residente ang duguang biktima sa Bicol ­Medical Center sa Naga City pero idineklarang dead-on-arrival.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->