^

Kutob

Marso 26, 2025

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) – Ang sikreto na hindi pa napanahon ay malamang matuklasan ng iba. Maghanda dahil susubukan ang iyong katapatan. Ang inaasahang pera o bagay na matagal nang hinihintay ay hindi makakarating ngunit maalintana lamang. Lucky numbers at color for the day ang 4, 9, 11, 36 at emerald green.

TAURUS: (Abr. 20 - May. 20) – Malakas ang E.S.P. Sundin ang kutob. Kailangan ang makibagay sa mga nakakataas sa tungkulin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 15, 29, 32 at lavender.

GEMINI: (May 21- Hun. 21) – Makakabuting kumilos kaagad bago mahuli ang lahat. Ang hinanakit ay mapapalitan ng kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ang 10, 22, 30, 34 at midnight blue.

CANCER: (Hun. 2 - Hul. 22) – Umaayon ang panahon sa pagpaplano ng magandang paraan para sa ikauunlad ng sarili. Gaganda ang love life. Lucky numbers at color for the day ang 11, 19, 31, 38 at blue.

LEO: (Hul. 23 - Ago. 22) – May pagkakataon na mapaunlad ang kabuhayan. Manindigan sa sarili at laging isipin ang kahalagahan ng oras. Lucky numbers at color for the day ang 9, 36, 39, 42 at mustard yellow.

VIRGO: (Ago. 23 - Set. 23) – Maraming dapat gawin subalit ang kalituhan ang magbibigay ng abala. May hatid na balita ang isang kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 12, 36, 41 at aquamarine.

LIBRA: (Set. 24 - Okt. 23) – Mag-ingat sa pagpapahayag ng hinanakit at baka hahantong sa hindi pagkakaunawaan. Pairalin ang disiplina. Lucky numbers at color for the day ang 7, 12, 32, 40 at orange.

SCORPIO: (Okt. 24 - Nob. 22) – Iwasan ang laging nakasandal sa mga detalye. May pagkakataong matapos ang natenggang gawain. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 19, 38 at yellow.

SAGITTARIUS: (Nob. 23 - Dis. 21) – Maganda ang timing ngayon para sa mga namamasukan sapagkat mapapalabas ang angking kakayahan at talino. Lucky numbers at color for the day ang 10, 18, 21, 39 at light green.

CAPRICORN: (Dis. 22 - Ene. 19) – Isang Capricorn ang magbibigay ng tulong. Malaki ang pagkakataon na malutas ang suliranin tungkol sa pera. Lucky numbers at color for the day ang 12, 14, 24, 39 at pink.

AQUARIUS: (Ene. 20 - Peb. 18) – Mapalad sa itatayong negosyo kung sisimulan kaagad. Magtrabaho ng tahimik at pairalin ang pasensya. Lucky numbers at color for the day ang 5, 11, 22, 34 at violet.

PISCES: (Peb. 19 - Mar. 20) – Nasa panig ang kaunlarang pinansyal. Pag-aralan ang gagawing desisyon. Mag-ingat sa mga sasakyan. Lucky numbers at color for the day ang 13, 24, 33, 39 at jade green.

HOROSCOPE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->