‘AMLC’ ang bahalang mag-freeze sa assets ni Duterte
MANILA, Philippines — Ipinaubaya na ng Malacañang sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang pagtugon sa freeze order sa mga assets ng mga akusado partikular kay dating Pangulo Rodrigo Duterte na nahaharap sa kasong crime against humanity kung sakaling hilingin ito ng International Criminal Court (ICC).
Sinabi ni Palace Press Officer USec. Claire Castro na walang sinisino ang AMLC kaya sila ang tutugon sakaling may kahilingan.
Sa sandaling magkaroon ng freeze request sa asset ng dating Pangulo tutugunan ito ng AMLC.
Ayon kay Castro, kung tutuusin ay noon pa dapat sana nai-freeze ang assets ng dating Presidente na may kaugnayan naman sa plunder case na isinampa ni dating Senador Antonio Trillanes.
Bukod kay Duterte ay kasama rin sa kinasuhan ni Trillanes si Sen. Bong Go.
Dagdag ni Castro na kung kinakailangang mabigyan din ng danyos ang mga naging biktima ng EJK ay kanilang gagawin bilang bahagi na rin ng pagbibigay ng hustisya.
- Latest