^

PM Sports

Finals rematch ikakasa ng Gin Kings, Tropang Giga

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatangka ang Talk ‘N Text at Barangay Ginebra na maikasa na ang ikalawang sunod nilang finals duel sa planong tapusin ang serye kontra sa Rain or Shine at NorthPort sa Game 5 ng 2024-2025 PBA Commissioner’s Cup semifinals ngayons sa Smart-Araneta Coliseum.

Parehong namumuro na sa hawak na 3-1 card ang Tropang Giga at Gin Kings kaya walang balak magpaawat kahit pa kontra sa inaasahang balikwas ng Elasto Painters at Batang Pier, ayon sa pagkakasunod.

Unang susubok dito ang TNT sa alas-5 ng ha­pon bago ang parehong misyon ng Ginebra sa alas-7:30 ng gabi.

Nakalapit sa finals ang TNT, na tinalo ang Ginebra sa Governors’ Cup finals, noong nakaraang taon matapos ang 93-85 panalo sa Game 4 para sa 3-1 kartada subalit sa kabila nito ay hindi pa tapos ang laban, babala ni coach Chot Reyes.

“We talked about it and we know that it’s going to be a very difficult series for us,” ani Reyes na pinunto ang dikit na duwelo nila ng ROS sa unang 4 na laro.

Sa pangunguna ni import Rondae Hollis-Jefferson, wagi ang TNT sa Game 1, 88-84, at Game 2, 93-91, bago madale ng knee injury ang pambatong si Jayson Castro na nagresulta sa 103-98 panalo ng ROS sa Game 3.

Nakabawi ang Tropang Giga sa Game 4 kahit wala na si Castro at inaasahang sasakyan ang momentum na iyon para hindi na mabigyan pa ng pag-asa ang mga bataan ni coach Yeng Guiao.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->