Bianca at Senator Win, hiwalay na?!
Break na nga ba ang magkarelasyong sina Sen. Win Gatchalian at Bianca Manalo?
Pinag-usapan ang intrigang hiwalay na sila at mukhang kasama raw ang dalawa sa mga celebrity couple na naghiwalay gaya nina Barbie Forteza at Jak Roberto.
Nagkaroon ng ispekulasyon ang mga netizen nang mapansin nilang hindi magkasama noong holidays ang dalawa.
Hindi raw gaya dati na merong post ang mga ito na magkasama tuwing Pasko o Bagong Taon.
Isa rin sa napansin nila ay hindi raw nagselebreyt ang dalawa ng kanilang anniversary noong Nobyembre nakaraang taon.
At nag-post pa raw ang ex-beauty queen-actress noong November din last year ng kanyang childhood photo na may caption na “Don’t worry, little Bianc. You’re going to be okay” na tila nagpalakas sa haka-haka ng mga marites.
Marami naman ang hindi na nagtaka kung sakaling hiwalay na ang dalawa.
Maaalala kasing nagkaroon ng kontrobersiya kung saan nasangkot sina Bianca at Rob Gomez.
Palagay ng mga netizen ay pinahupa lamang ng senador ang intriga at expected na raw nila na sa hiwalayan din hahantong ang relasyon ng dalawa.
‘Kaloka naman kung true ito.
Tawagan ko nga ang ever reliable staff ni Sen. Win kung ano ang totoo.
Ka Tunying, maglalabas ng libro!
After a long time, nag-decide si Ka Tunying Taberna (Anthony Taberna) na sumulat ng libro.
Sa rami ng kaalaman at dunong na puwedeng i-share ni Ka Tunying dapat talagang makagawa na siya ng libro na puwedeng basahin ng maraming humahanga sa mga kaalaman niya.
Isa sa pinakamabait na taong nakilala ko ang pamilya Ta-berna. Napakabait din ng asawa niyang si Rossel kaya naman talagang mabilis ang dating sa kanila ng biyaya.
Forever grateful ako sa pagbibigay nila sa akin ng pagkain tuwing may dialysis ako.
Congrats, Ka Tunying. Thumbs up.
- Latest