^

PSN Showbiz

PA, red flag na sa mga bossing?!

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
PA, red flag na sa mga bossing?!
Alden Richards at Barbie Forteza

Ano na kaya ang kasasapitan ng Pulang Araw? Nakakaawa na ang rating nila na 8.6 tapos 16.4 ang Batang Quiapo. Nangalahati na talaga siya?

Paano na si Alden Richards? At least may pansalba siyang pelikula with Kathryn Bernardo. Eh sina Barbie Forteza at David Licauco, naku, inaalat na ba talaga sila at wala nang nag-hit na serye na sila ang bida? Hanggang kailan pa kaya ito mananatili sa ere? Pulang-pula na kaya ang bosses ng network dito?

Kyline, pa-virgin!

Ang sabi ni Kyline Alcantara kapag tinatanong ang real score sa kanila ni Kobe Paras: “I feel like I don’t owe the public any explanation naman po.”

Anubeh? Kailangan pa bang i-memorize ‘yun? Eh major PDA sa kandu­ngan at halik-halikan ang ginagawa nilang naka-post? Oh si Kyline pa ba naman ang virginal?

Ogie, grabe ang suporta kay Martin

Grabe ang suporta nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa Concert King Martin Nievera at sila pa mismo ang magpo-produce ng concert nitong The King 4Ever sa Sept. 27 sa Araneta Coliseum!

Maliban kay Regine, Gary Valenciano, Pops Fernandez, balitang lilipad pauwi ng Manila ang panganay nina Martin na si Robin para mag-perform din. Ang galing lang ng ganitong suportahan ng singers natin. Kaya katulad ng teatro, buhay na buhay rin ang concert scene?

Paano kaya ang pelikula? Kailan kaya ito babangon nang tuluyan? Siguro kapag nagtutulungan na ang lahat at hindi nagkakanya-kanya!

Sino si mj Cayabyab?

Sino si MJ Cayabyab na nag-resign daw sa Wil To Win show for personal reasons? Ano kayang personal reason? Nasa show daw si MJ noong mid-July hanggang nawala na raw ito kamakailan?

Ano ba ang nangyayari sa show ni Kuya Wil (Willie Revillame)? At sino pa rin ba talaga itong si MJ Cayabyab?

Ruru, swerte sa green...

Sa lahat ng nakabasa ng script ng Green Bones, sinasabing ang swerte ni Ruru Madrid at siya ang isa sa lead stars ng pelikulang ito! Major break ito para sa kanya na pang-filmfest pa. Pang-award ba ang role niya? Oo! At pati ang script pa lang, napakaganda raw talaga!

Nakakataquote:

“Baka Vivamax ‘to ha!,” punchline na Angelica Yulo (nanay ni Caloy) pinapirma ng kontrata, bilang endorser ng dental clinic na pagmamay-ari ng isang Hungry Boss (Vivamax ang nagpaplanong kunin daw si Chloe San Jose (gf ni Caloy) para sa isang pelikula.)

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with