^

Police Metro

Kelot inutas sa pukpok ng bato!

Ludy Bermudo - Pang-masa

Dahil sa pustahan ng basketball

MANILA, Philippines — Idineklarang patay ang isang lalaki matapos na pukpukin ng malaking tipak ng bato ng isa sa apat na lalaking kumuyog sa kanya na kanyang nakaaway dahil sa pustahan ng larong basketball sa Tanay, Rizal, iniulat nitong Sabado.

Idineklarang dead-on-arrival sa Rizal Provincial Hospital System sa Antipolo City ang biktimang si alyas Ronaldo Tongohan Jr., residente ng Sitio Kay-buli, Barangay Tandang Kutyo, Tanay, Rizal.

Arestado naman sa follow-up operation ang mga suspek na kinila lang sa mga alyas na “Randy”, “Charley”, “Bennson” , at “Jerrson”, pawang residente rin ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, alas-4:00 ng hapon nitong Huwebes, Agos­to 15, nang maganap ang insidente sa Kaybuli Basketball Court sa nasabing Sitio. Nakitang nagtatalo ang biktima at mga suspek sa basketball court kaugnay sa kanilang pustahan sa laro subalit naawat din sila kalaunan.

Gayunman, pagsapit ng alas-11:00 ng gabi, biglang dumating ang mga suspek sa basketball court at inabutan pa roon ang biktima. May hawak umanong pamalo na 2x2 na kahoy ang isa, ang isa ay may tubo, habang ang isa pa ay may hawak ng malaking bato at kinorner ang biktima saka agad na hinampas ng bato sa ulo ni alyas Randy. Agad bumagsak sa semento ang biktima at mabilis na nagpulasan patakas ang mga suspek.

Isinugod ang biktima ng kaanak sa Rizal Provincial Hospital System, sa Morong, Rizal, kung saan nilapatan ng lunas at pinauwi na. Gayunman, kinabukasan, alas-7:00 ng umaga nang gisingin ng ama ang biktima ay hindi na sumasagot kaya ibinalik siya sa nasabing pagamutan.

Pinayuhan ng doktor na dalhin na sa Quirino Memorial Hospital, sa Quezon City, ang biktima at habang ibinibiyahe ay na-revived pa sa loob ng ambulansya. Dahil sa kritikal na kondisyon ay sa mas malapit na Rizal Provincial Hospital System, sa Antipolo City siya diniretso, na hindi na umabot ng buhay.

Dahil sa insidente, agad naghain ng reklamo ang ama ng biktima na si Ronaldo Sr. laban sa mga suspek na nadakip agad ng mga pulis bagama’t hindi na narekober ang bato na ginamit sa krimen.

vuukle comment

RIZAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with