^

Kutob

Agosto 18, 2024

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Kung patatangay sa mga alok ng kaibigan, masisira ang kinabukasan. Alalahanin na walang iba na gumagawa ng iyong kinabukasan kundi ikaw. Kung mag-aaral, harapin ng buong puso at tatag dahil dito nakasalalay ang magandang kinabukasan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 26, 41 at orange. 

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Upang maiwasan na magkaroon ng problema tungkol sa pera at gastusin, ayusin ang accounting at pagba-budget. Lucky numbers at color for the day ang 15, 19, 21, 33 at ruby red. 

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Iwasan ang magsugal dahil tiyak talo ka hindi lamang sa pera, kundi panahon at pagkakataon pa. Lucky numbers at color for the day ang 7, 15, 31, 44 at maroon. 

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Dahil sa tagumpay sa buhay, kaiinggitan ka ng mga kakilala o mga malapit sa iyo. Mag-i-ngat sa tuwina. Lucky numbers at color for the day ang 17, 26, 29, 38 at cream.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Kung nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang magkasintahan o mag-asawa, ngayon magkakaliwanagan. Lucky numbers at color for the day ang 18, 34, 42 at red. 

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – May susukat kung hanggang saan ang iyong pasensya sa tahanan o pinapasukan. Maging mahinahon. Lucky numbers at color for the day ang 3, 4, 29, 37 at brown. 

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Kung talagang labag sa loob, huwag magkunwari. Maging totoo sa sarili at sa kapwa. Magsabi ng totoo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 3, 26, 28 at ivory cream. 

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Habaan ang pasensya. Huwag pairalin ang init ng ulo. Huwag magpadalos-dalos ng desisyon. Pag-aralan muna. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 29, 42 at beige. 

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Sa simula lang ang saya at kalbaryo ang nasa huli ng bawal na relasyon, kaya dapat iwasan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 29, 36, 37 at lemon green. 

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Kailangan mo ang matibay na paninindigan at lakas ng loob sa iyong napasukan upang magtagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 1, 7, 14, 35 at gray. 

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Hayaan muna na humupa ang galit bago kausapin o harapin. Kung galit si mister o misis, tumahimik. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 22, 39 at blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Ang lalapit sa iyo ay may kailangang pinansiyal. Kung kayang paunlakan, gawin. Kung hindi, sabihin ng maayos. Lucky numbers at color for the day ang 16, 22, 31, 34 at yellow. 

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with