^

Bansa

Yulo tatanggap ng P20 milyong cash sa PAGCOR

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Yulo tatanggap ng P20 milyong cash sa PAGCOR
Philippines' Carlos Edriel Yulo reacts after winning the artistic gymnastics men's floor exercise final during the Paris 2024 Olympic Games at the Bercy Arena in Paris, on August 3, 2024.
AFP/Paul Ellis

MANILA, Philippines — Tumataginting na P20 milyon ang tatanggapin ni double Olympic gold medal winner gymnast Carlos Ed­riel Yulo bilang cash reward nito sa ibinigay na karangalan sa bansa sa paglahok nito sa Paris Olympic 2024.

Ito ang kinumpirma ni PAGCOR Chairman Alejandro Tengco sa pagharap nito sa pagdinig nitong Martes sa House Committee on Appropriations na sinabi pang tax free ang nasabing premyo.

Ayon kay Tengco, hindi pa alam ni Yulo ang karag­dagang cash bonanza na naghihintay sa kaniya sa pag-uwi nito sa bansa mula sa matagumpay na pagwawagi sa floor exercise final at vault final sa gymnast sa Paris Olympic kung saan nasungkit nito ang dobleng medalyang ginto.

“As provided by law, for the gold medalists, Pagcor is mandated to give an athlete who wins a gold P10 million. So since he has two golds, Mr. Yulo will have P20 million. I have not announced this in public, so this is the first time,” pahayag ni Tengco sa panel.

Samantalang ang coach at trainor ni Yulo ay tatanggap naman ng tig-P5-M o kabuuang P10-M.

Idinagdag pa ng opisyal na ang atletang makakuha ng silver ay tatanggap naman ng P5-M habang ang bronze medalist ay P2-M at mabibigyan din ng benepisyo ang kanilang mga coaches at trainors.

Si Yulo ang kauna-unanang Pinoy Olympian na nakasungkit ng dobleng gintong medalya sa larangan ng gymnasts na karaniwang nadodominahan ng mga kilalang bansa tulad ng Estados Unidos at mga bansa sa Europa.

vuukle comment

PAGCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with