^

PSN Showbiz

Coco, Ivana nagpasalamat sa suporta ng mga Pinoy para sa ‘FPJ’S Batang Quiapo’

Pilipino Star Ngayon

Labis ang pasasalamat nina Coco Martin at Ivana Alawi sa patuloy na pagtangkilik ng mga Pinoy sa FPJ’s Batang Quiapo na kamakailan ay inanunsyo ang pamamaalam ng karakter ni Ivana kasabay ng sunud-sunod na gabi ng record-breaking online views.

Ikwinento ni Coco na hindi niya inakalang papatok sa mga mano­nood ang nakakakilig na tambalan nila ni Bubbles (Ivana) kaya nagpasalamat din siya kay Ivana dahil game na game ito sa mga eksena nila.

“Pamilya na ‘yung turing namin sa kanya. Hindi namin akalain na gaganda nang gaganda ‘yung kwento namin. Sobrang laki ng naiambag ni Ivana sa serye. Sana nag-enjoy siya,” sabi ni Coco sa interview sa TV Patrol.

Sa pamamaalam ni Bubbles, isinagot ni Coco ang tanong ng bayan kung may bagong karakter nga bang papasok sa buhay ni Tanggol (Coco).

“Nakaka-excite kasi hindi ko pa rin alam. I’m sure macha-challenge kami sa panibagong pagsubok na haharapin namin,” he teased.

Ibinahagi naman ni Ivana na marami siyang natutunan sa pagiging bahagi ng serye kaya taos-puso siyang nagpapasalamat sa mga bumubuo ng FPJ’s Batang Quiapo para sa tulong nila na bigyang-buhay si Bubbles.

“It’s something that I’ll treasure for a long time cause it’s the project na lumabas ako sa shell ko. I got to do a lot of things which is action, comedy, and romance. Inalagaan talaga ako ni Direk Coco Martin. It was a privilege to work with him,” said Ivana.

Patuloy na kinakapitan ng mga manonood ang FPJ’s Batang Quiapo matapos itong makapagtala ng bagong online viewership record sa tatlong magkakasunod na gabi. Ang kasaluku­yang all-time high ng serye sa Kapamilya Online Live ay 635,636 peak concurrent views para sa episode noong Hulyo 31.

Napapanood ang maaaksyong kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo, na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

vuukle comment

COCO MARTIN

IVANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with